Chapter 10: Together with The Devils

Start from the beginning
                                    

"We want you to be in our group... Xandra." sabi niya na ikinaubo ko.

"Ano?!" bulaslas ko.

Napatigil naman ang lahat ng estudyante na nasa cafeteria kaya napayuko naman ako. Heto na naman! I am gaining the attention that I don't want to have. Nang dahil lang sa mga lalaking 'to!

"The Devils Game needs to have five members in each group and we are just only four. Me, Alex, Topher and Leo. So we need to recruit one member and we choose... you!" explain ni Kiero.

Tiningnan ko naman ang tatlo na nasa likuran niya. Palagi ba talaga silang susunod sa kung asan pupunta si Kiero?

"You don't need to reject us. Because you don't have the right to reject us anyway." sabi ni Kiero na ikinatahimik ko.

Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Ofcourse, I have the rights to reject their offer. And besides malakas na sila. They don't need me.

Wait!

Oo nga noh!

Malakas sila!

And I need them to win!

Well hindi ko naman kailangang manalo talaga pero kapag matatalo ako eh mapapa alis ako ng maaga. And I don't want that. Lalo pa at hindi ko pa talaga nalalaman lahat lahat ang tungkol sa the Devils Phoenix.

Tiningnan ko naman silang apat. Wala naman sigurong masama kung sasali ako sakanila. And besides, mas makikilala ko sila kapag magkasama kami. Pero I did promised na lalayo na ako sa kanila.

Ugh! Bahala na!

"Okay! I will join you!" I said at nakita ko namang napangiti silang apat.

Weird.

"But only if ma co-control niyo ang mga babaeng obsessed na obsessed sa inyo na 'wag akong saktan." sabi ko na ikinatawa nila.

"Deal." they said in unison.

Then that's great! Napasulyap naman kaming lahat sa itaas ng makita ang speaker na nakalagay sa bawat sulok ng cafeteria.

"Announcement!"

Natahimik naman kaming lahat at inaantay ang kasunod na sasabihin ng nasa likod ng speaker.

"Good noon! I am Head Levy. At may sasabihin akong importanteng anunsyo kaya makinig kayong lahat sa akin. Sa lahat ng grade 12 student na kasali sa laro na magaganap ngayong august 11 ma ho-hold ang lahat ng klase niyo dahil bibigyan namin kayo ng oras upang makapaghanda. Dalawang araw lamang ang ibibigay namin para makapaghanda kayo. So you should start preparing now. Train and improve yourselves. That's it! Good luck!"

Binalot naman ng katahimikan ang buong lugar ng matapos ang anunsyo. Then, I suddenly feel the shivers down my spine ng marinig ang sinabi ni head Levy. Matutuloy nga talaga ang laro.

"Let's train."

Napatingin naman ako kay Topher ng sabihin niya 'yon. Seryoso ba siya?

Nandito kami ngayon sa loob ng training hall ng university. Ngayon ko lang din nalaman na mayroon palang ganito rito. Malawak ang espasyo at mahahasa mo talaga ang abilidad mo sa pakikipaglaban dito.

"Xandra."

Napasulyap naman ako kay Topher ng tawagin niya ako.

"Hindi ka ba talaga nakakakita ng maayos?" out of the blue niyang tanong at tinitigan ang suot kong eyeglass.

Nabahala naman ako bigla.

"A-Ah oo! Simula bata pa lang ako ay kailangan ko na talagang magsuot nito kasi hindi ako makakakita ng maayos kapag wala 'to." wika ko at tinangoan niya naman ako.

"Pero magiging sagabal 'yan sa laro. Paano kung matanggal 'yan sa'yo? Mahihirapan kang makipaglaban niyan." sabi niya na ikina isip ko.

Oo nga noh! Tama nga siya!

"Hayaan niyo na. Tayo lang naman ang makikipaglaban. Tayo ang po-protekta sa kaniya dahil siya ang maghahanap kung nasaan nila itinago ang susi sa bawat level ng maze." sabi ni Kiero na sinang ayunan naman ni Alex at Leo.

"Oo nga noh! Matalino ka nga talaga!" sabay tawa ni Alex.

I just rolled my eyes at them. Napatingin naman ako sa pinto ng marinig ang malakas na tawanan ng grupo ng mga kalalakihan. Limang lalaki. Malalaki sila at... malalakas.

"Well well well...." wika ng lalaking nasa unahan ng makita ang Devils Phoenix.

Napatingin naman sa kanila ang apat.

"Hunters..." wika ni Kiero at tinangoan ang lalaki.

"Magsasanay rin kayo?" tanong ng lalaki kay Kiero.

I don't know. Pero para kasing nag-iba bigla ang ihip ng panahon ng nag-usap silang dalawa. Hindi ako komportable.

"Hindi, nandito lang kami upang tumingin ng mga weapons." wika ni Kiero dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

Ba't siya nagsinungaling? Oo nga't may mga weapons dito sa training hall. Pero obviously, nandito kami to train.

"Oh talaga?" wika ng lalaki na 'di makapaniwala.

"Nice! Magkikita na lang tayo sa game."

Patuloy na sabi ng lalaki kaya napatahimik naman kaming lahat. Pakiramdam ko ay may ibang ibig sabihin ang lalaki sa sinabi niya kay Kiero. Napatingin naman sa akin ang lalaki at napangiti.

"Well well well... sino 'to?" tanong ng lalaki at nilapitan ako.

Napa atras naman ako para makalayo sa kanya. Aywan ko ba pero hindi ko gusto ang presensya niya. Mas komportable pa akong kasama ang Devils Phoenix kaysa sa kanila.

"Wag mo syang gagalawin Thoris. Teritoryo namin ang babaeng 'yan." wika ni Kiero na ikinaubo ko.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya sa sinabi niya o magagalit. Kasi hindi naman nila ako teritoryo. Pinagsasabi nito.

"Okay okay! Chill lang." wika ni Thoris at tinawanan kami.

"I must say... nakahanap ka na naman ng bagong bibiktimahin." wika ni Thoris dahilan upang mapatitig ako sakanya.

Nagtatanong kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

"Thoris..." malamig na sambit ni Kiero sa pangalan niya na parang pinapatigil siya sa pagsasalita.

"If sawa kanang paglaruan siya Kiero. You can give her to me." wika ni Thoris at agad na umalis sa harapan namin.

Napatingin naman ako sa apat na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"What?" bulaslas ko.

Napalihis naman ng tingin ang apat. Kaya mas nagtaka ako sa kinikilos nila.

"Sino ba 'yong Thoris na 'yon?" mahinang tanong ko sakanila.

Tiningnan naman ako ni Topher na nag aalangang sumagot sa tanong ko.

"Sila ang Hunters. TVL department." sabi niya at napakamot sa ulo.

"Wag mo na lang silang pansinin." sabay na wika ni Topher at Kiero.

TVL department?


Ibig sabihin isa silang mga assassin?


The Gangster's Victim Where stories live. Discover now