Eight

4.3K 150 8
                                    

Philer POV

OH!! Hello handsome and pretty reader ^_~

Andito na ang pinaka gwapo at handsome sa balat lupa kung meron man. Haha! Pasensya naman gwapo at handsome lang. Oh hindi ako feeler ha?? Ako kaya si Philer.

At ngayon naman pupunta na ang gwapo at handsome sa pinaka pangit na nilalang. Walang iba kundi si Lhandy.

Hayy. Yong babae na yon ang kapal talaga. Akalain nyo laging sinasabing maganda sya. San kayang banda?? Haha. Oh well bawal mamroblema ang gwapo at handsome kong mukha.

Andito na ako sa tapat ng bahay nina Lhandy. Ang dilim naman..asan na kaya ang pangit na yon?? Makapasok na nga lang..bukas naman ang pinto eh.

Pagpasok ko binuksan ko agad yong switch ng ilaw. At nagulat ako sa nakita.

Putang*sh*t mapapamura ka talaga 3x a day sa nakita ko. Grabe katapusan ko na ba??

"HOYYY! Lhandy anong trip mo at ganyan ang itsura mo ha?? Sh*t ang sakit mo sa mata!" Sigaw ko sa kanya ng makita ko siya.

Anak ng! Akalain nyo ba namang naka lingerie na red tapos nakaheels ng mataas stiletto ba ang tawag don? Basta yon tapos nakahiga sya sa sofa na akala mo ay nagmomodel.

"Hi Philer MyLabss! Khamushtahh kahh?? Hihi! Phasohk kahhh. Hihi!" Malanding pagkakasabi nya habang tinataas taas pa yong damit nya.

Nang aakit ba sya??

Kung OO.. anak ng pusit nakakasuka sya. Ang pangit pangit nya tingin nya maakit ako?? ASA

"Umayos ka nga Lhandy..ang sama mo sa paningin!" sabi ko sa kanya at hinagis sa kanya yong nakita kong twalya sa lamesa.

"MyLabss..hindi ka ba naakit sa akin?? Sexy na nga ako tapos MAGANDA pa ako. Saan ka pa?? Oh diba hindi ka na lugi sa GANDA kong pang DYOSA na ito??" Sabi nya na may pag irap pa. Akala naman nya MAGANDA talaga sya. Psh! Wala na talaga tong pag asa. Baliw na talaga.

Lakas ng TAMA eh!!

"Lhandy, alam mo bang NANG GIGIL ako sayo??" Sabi ko sa kanya. At ang baliw kinilig naman.

"Talagaaa?? Sabi ko na nga ba eh. Gusto mo din ako MyLabsss. Oh My Gandaaa. Ang ganda ko talaga!" Sabi nya na kinikilig pa.

Asa naman syang magkakagusto sa kanya ang gwapong handsome na katulad ko. Tskk!!

"Oo nanggigigil ako sayo Lhandy..kaya naman hanggat maari ,pwede bang ngayon pa lang lumayas ka na sa harapan ko!!" sabi ko sa kanya.

"Wow! MyLabss yan ang gusto ko sayo eh masyado kang hard!" Sagot nya at lumapit sa akin.

Argggghh! Ano bang problema ng babaeng to?? Badtrip eh!

"Ewan ko sayo! Nabubwisit ako sa pagmumukha mo!" Sabi ko at tinulak sya ng mahina lang naman. Bukod naman sa pagiging gwapo at handsome ko eh gentleman din ako.

"Magbihis ka na nga! Kapag hindi ka nagbihis aalis na ako!" Sabi ko.

"Whaaaat?? Hindi mo ba nagustuhan itong damit ko?? Nagprepare kaya ako ng bongga!" Sabi nya na may pagkagat labi pa. Feeler masyado. Gagaya pa sa akin diba??

"Wala akong pake..kaya dalian mo na andito ako para gumawa ng project. May date pa kami ni Kerei!"

"Whaaat?? Kayo ni Kerei?? Ano bang nagustuhan mo sa babaeng yon ha?? Eh maputi lang yon eh. Mahal mo kasi MAPUTI?? Oh c'mon MyLabss its not LOVE its DOVE! Wag ganon ha!" Sabi ng Lhandy na ito.

"Kung makapagsalita ka naman Lhandy akala mo ang ganda ganda mo." -Ako

"Well kumpara naman kay Kerei eh talagang OO!" -Lhandy.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Onde histórias criam vida. Descubra agora