KAPAL 18

2.1K 64 7
                                    

Nandito kami ng Kinginang Kathy na ito sa isang coffeshop. Nandito kami sa dulo dahil dito nya piniling pumuwesto.

Ewan ko ba sa kanya nasisira ang kagandahan ko dito.

"so? Bakit mo ba ako sinama dito?" tanong ko sa kanya.

"tungkol kay Pervy!" sagot nya.

"ano ba kasing tungkol kay Pervy na sayo na sya! Problema mo?"

Hindi ko kasi sya maintindihan bakit lagi nyang sdinadamay si Pervy.

"well gusto ko lang naman layuan mo sya!" diretsa nyang sagot.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"well kung ikaliligaya mo ang paglayo ko kay Pervy, pwes lalapit pa ako sa kanya para di ka sumaya. Landiin ko pa nga para mamatay ka na sa selos!" pangaasar ko.

Masyado syang seryoso.

At ito ang natutunan ko sa past relationship ko kay Philer.

Wag mo ng seryosohin ang pagibig.

"talaga pa lang palaban ka Lhandy!" sarcastic na sabi ni Kathy.

"yup! Palaban ako lalo na kung sa pagandahan kaya hanggat maaga pa sumuko ka na wala ka ng laban!" bawi ko.

"well ang totoong pakay ko lang naman kaya isinama kita dito kasi gusto kong ikwento sayo ang tungkol sa amin ni Pervy!" sabi nya.

Ang kulit talaga ng Kinginang ito. Ayaw pang sabihin para naman makaalis na ako dito.

Ayaw ko kasing makita ang pagmumukha nya!

"okay kanina mo pa yan sinasabi ipagpatuloy mo na!" sagot ko.

AT walang ganang nakinig sa kwento nya.

"well Lhandy for your information halos 3years na kaming magkasama ni Pervy. Ako yong laging nandyan para sa kanya simula noong iwan daw sya ng babaeng minahal nya!"

So I therefore conclude na si Aina ang tinutukoy nya.

"ako yong kasama ni Pervy noong magisa sya at walang karamay. Noong mga panahong wala syang makasama ako yong nagpapaligaya sa kanya!" patuloy nya at nginitian ako.

Ang Kathy talaga nya.

"so sanay na kami sa presensya ng isa-t isa. Maaring madaming babae si Pervy pero sa akin naman ang bagsak nya kahit na gaano kadaming babae ang nakaksama nya sa bar but at the end of the night kami pa rin ang magkasama. Ganyan kami ni Pervy. At kung tatanungin mo kung mahal ko sya well oo mahal na mahal ko sya kaya pwede distansya!!" maarteng sabi nya.

Patuloy lang akong nakikinig sa kaartehan nya.

"at siguradong mahal din ako ni Pervy although hanggang ngayon hindi nya sinasabi yon but i still believe on that kasi hindi nya rin ako iniiwan. Kaya kung ako sayo Lhandy layuan mo na sya!"

"Nakakaawa ka naman Kathy nagmamakaawa ka sa akin para lubayan ko si Pervy? Ganyan ka ba kababa?" tanong ko.

"Mahal ko si Pervy at gagawin ko lahat para sa kanya kahit na ako pa ang maglayo sayo!"

"pwes kung ganon nagsasayang ka lang ng laway Kathy dahil kahit anong sabihin mo at pakiusap mo sa akin na layuan ko sya at kung gusto nya talaga ako wala na akong magagawa dahil may mga bagay na kahit hindi ko agawin kusang napupunta sa akin! Wanna know why? Kasi nga Magandang Dyosa ako!" akmang tatayo na sana ako ng marinig ko ang hikbi nya.

"Lhandy please, maganda ka naman gaya ng sabi mo kaya makakahanap ka ng lalaking para sayo pero wag si Pervy!" humihikbing pakiusap ni Kathy.

Anakngpangit naman oh!

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon