KAPAL 23

2.5K 78 7
                                    

Pervy POV

After 2 years..

Dalawang taon. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng iwan nya ako.

Ang sakit pa rin isipin na wala akong nagawa nong iwan nya ako.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sya umalis.

Ang sakit kasi napaka wala kong kwenta, wala akong nagawa.

Masakit dahil simula ng iwan nya ako para bang wala ng kwenta ang buhay ko.

Si Lhandy lang naman eh, sya na lang ang dahilan kung bakit ako masaya tapos ngayon iniwan nya pa ako.

Dalawang taon na ang nakalipas pero yong sakit daladala ko pa rin hanggang ngayon habang ang iba parang naka move on na at may sarili na silang buhay.

Samantalang ako naiwan sa mga nakaraan.

"hey bro ano tulala ka na naman??" biglang tanong sa akin ni Joel kaya napabalik na ako sa huwisyo ko.

"ano ka ba Pervy its been two years at mukhang wala pang nangyayari kaya kalimutan mo na sya! Ifocus mo na lang ang sarili mo dito sa trabaho natin hindi naman porket ikaw ang may ari nitong kompanya eh ayos lang na maging lutang ka dyan!" sabi naman ni Paolo.

Yup! Tama sila its been two years at nakagraduate na kaming lahat sa college at ngayon naman sa akin na ipinamahala ni Daddy ang maliit na kompanya namin.

At si Joel at Paolo pa rin ang kasama ko ngayon.

Sila yong kasama ko nong mga panahong kailangan ko si Lhandy.

"sorry may naalala lang ako but dont worry okay naman ang takbo ng kompanya!" sabi ko sa kanya.

"ano ka ba naman Pervy alam namin na ayos ang trabaho pero mukhang napapasobra na nga ang pagtatarabaho mo eh. Hindi ka na nakakasama sa amin sa gimik hindi ka rin nag papahinga masyado mong kinakareer ang trabaho mo!" sabi ni Joel.

Ang kulit talaga ng dalawang to.

"oo nga mamaya sumama ka sa amin bar tayo para naman maexpose ang kagwapuhan mo madami pa naman doong chicks!" dugtong naman ni Paolo.

"tigilan nyo nga akong dalawa wala akong time sa pag babar atsaka may aasikasuhin pa ako!" sagot ko.

"ang kj mo talaga!" sabi ni JOel.

Kelan nga ba ako huling nakapag bar?? Ang tagal na non magkasama pa kami ni Lhandy noon.

Simula ng iwan nya ako hindi na rin ako nagbar o nakipagdate sa babae.

Ganon ko sya kamahal.

Bigla namang nagring ang cellphone ko, tumatawag pala si Aina.

"hello Aina napatawag ka!" sagot ko.

"HOY MR. PERVY PAMOR!! Masyado ka atang busy hindi ka man lang nagpaparamdam baka nakakalimutan mo bukas na ang kasal ko. Ikaw ang best man!" sermon nya sa akin.

Napakamot ako ng ulo. Shet! Nakalimutan ko.

"ano ka ba Aina syempre hindi ko yon makakalimutan. Kasal nyo yon ni Prank!" sagot ko.

Buti pa si Aina at si Prank ikakasal na. Well matagal na naman yong plano nila pero ngayon lang matutuloy.

Si Aina may sarili na syang negosyo nagamit nya ang pagiging culinary graduate nya at yong boutique ni Lhandy.

sya na ang nagpatuloy ng boutique na plano ni Lhandy noon pa man at syempre tumutulong din ako minsan sa pag papatakbo non.

Sa wakas magiging isa na sila ni Prank, kung hindi pa siguro dumating si Lhandy sa buhay ko siguro ginugulo ko pa ngayon si Aina pero nakamove on na ako kay Aina pero kay Lhandy ang hirap.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Where stories live. Discover now