KAPAL 21

2.1K 66 2
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan pero hind pa rin nagigising si Lhandy. Ang sabi ng DOktor hindi rin nila alam kung kelan magigising si Lhandy kaya dasal na lang kami ng dasal.

Katatapos lang ng klase kaya pupunta na ulit ako sa ospital para dalawin at bantayan si Lhandy. Wala na nga akong balak pumasok pero sabi ni Tita Ash kailangan kong pumasok. Kaya pumasok na ako kahit napipilitan lang din.

Ito ang scenario ko sa loob ng isang linggo.

School. Ospital. Bahay paulit ulit na lang at alam naman ng pamilya ko ito. Ganon din si Aina kapalit nya ako minsa sa pagbabantay kay Lhandy.

Naku! Kung hindi ko nga lang mahal ang Malanding Dyosa na yo hindi ko sya dadalawin no.

"PERVYY!!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa gwapo kung pangalan kahit hindi na naman kailangan ipagsigawan.

Shit.

Napamura ako ng makita ko si Kathy, isang linggo ko na nga rin syang iniiwasan dito sa school, hindi ko na rin sinasagot ang mga text at tawag nya sa akin.

Tatakbo na sana ako pero naunahan nya ako kasi nahawakan nya ako sa braso.

Ano na naman kayang problema ng baliw na ito.

"iniiwasan mo ba ako Pervy ha? Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko tapos dito naman sa school hindi kita maabutan nakaalis ka na lagi at sa bahay nyo naman wala ka daw don! Ano bang problema Pervy ha??" tanong nya habang hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

Naku. Mukhang naging obsession na nya ako. Tsk. Sabagay hindi ko naman sya masisi kasi sa gwapo, macho at yaman kong ito madami talaga ang naoobsess.

"ah hehe hindi Kathy bakit naman kita iiwasan? Naku masyado lang akong busy nitong mga nakaraang araw kaya hindi na kita nakikita" sagot ko.

"Talaga? Hindi mo ako iniiwasan?" tanong nya.

Hays. Mabuti na lang uto uto tong babaeng maKathy na to.

"ah oo promise hindi kita iniiwasan. Sa ganda mong yan? BAkit naman kita iiwasan diba?" pang uuto ko pa kasi hindi nya talga binibitawan ang braso ko. Tsk.

PArang linta kung kumapit ang gaga.

Nagpout lang sya.

"ah Kathy sige mauna na ako may aasikasuhin pa kasi akong project eh!" paalam ko sa kanya.

Tinitigan nya lang ako at ako naman hindi makatitig sa kanya.

NAgulat na lang ako ng bigla nya akong hinampas.

"SINUNGALING KA!! IF I KNOW PINUPUNTAHAN MO LANG ANG MALANDING SI LHANDY!! ANO KINALIMUTAN MO NA LANG AKO AT PINAGPALIT SA BABAENG YON HA PERVY?? HINDI AKO PAPAYAG!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya mabuti na lang kakaunti na ang tao sa pwesto namin.

Natatakot na ako sa pagiging bipolar nya.

"Kathy ano bang sinasabi mo? Please kumalma ka lang!" pagpapahinahon ko sa kanya.

"kalma? Niloloko mo ba ako Pervy? Kailangan mong hiwalayan yang si Lhandy kasi akin ka lang, sa akin ka lang Pervy at hindi para kay Lhandy! Tandaan mo yan" pananakot nya.

"Kathy pwede ba tigilan mo na ako alam mo namang hindi naman naging tayo diba? Masasaktan ka lang sa akin Kathy kasi may iba na akong mahal--" hindi nya ako pinatapos.

"sino si Lhandy? Ano ba kasing nakita mo sa babaeng yon eh mas maganda pa ako sa kanya!" sagot nya.

"Kathy maniwala ka may ibang lalaki na nakalaan sayo yong hindi ka iiwan at sasaktan pero hindi ako ang lalaking yon!" sagot ko.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon