Twenty Five

2.9K 99 17
                                    

Lhandy Magandang Dyosa POV

Mabilis akong lumabas ng clinic para puntahan si MyLabss baka kasi nakeri na sya ni Kereisha. Grabe din kasi ang babaeng yon masyadong kinareer ang pangalan nya. Akala ko kasi pangalan nya lang ang keri pati pala ugali nya.

KERI???

Minsan ugali....

Madalas si Kereisha!!!

Wow! Nakuha ko pa talagang umentry! Ang ganda ko talaga. Oo! Inuulit ko magandang dyosa ako kahit na may black eye ako.

"Lhandy!! Hintayin mo naman ako" sigaw ni Aina habang sinusundan ako.

"Lhandy! San mo ba balak pumunta??" tanong nya.

"EDi pupuntahan si Mylabss. Baka kasi maagaw pa sya sa akin ni Kereisha!" paliwanag ko at mabilis pa ring naglalakad.

At nakarating na kami ni Aina sa room. At don naabutan ko si Kereisha na nakaupo sa arm chair ni Philer.

"Hoy Kereisha lumayo ka nga kay Mylabbss!!!" sigaw ko pagkapasok ko ng room.

At syempre nagtinginan lahat sa amin ng mga kaklase ko. At ayon nagtawanan sila ng makita ako. Anong nakakatawa??

"Oh Lhandy ikaw pala! Bakit mukha ka naman ngayong Kung Fu Panda??" natatawang sabi ni Kereisha.

"Wala kang paki alam! Ikaw gusto mong maging Zombie?? Atsaka tigilan mo na nga ang paglapit kay Mylabs, dahil tandaan mo sa akin na ngayon si Philer!" sabi ko sa kanya.

Nanunuod na ngayon ang mga classmate sa palabas namin ni Kereisha. Habang si Philer nanunuod lang sa amin!

"Tsk! Look at you Lhandy your so pathetic. Ano bang problema mo ha??" naasar na sabi ni Kerei.

At bigla namang sumulpot yong dalawa nyang alalay. Si Lewis at Pearl! Kahit magsama sama pa sila wala pa ring tatalo sa kagandahan ko.

"Problema ko...tinatanong mo kung anong problema ko?? Problema ko kasi kung paano mababawasan ang kagandahan ko para naman hindi na kayo mainggit sa akin diba! Eh ikaw anong problema mo Kereisha?? Wait alam ko na..problema mo kung paano mo mauubos ang mga glutathione no??" sabi ko at tinaasan ng kilay si Kerei.

"Psh! Alam mo Lhandy yong MAKAPAL?? Minsan libro...madalas MUKHA mo! Wag kang umarte na sayo si Philer dahil akin lang si Philer tandaan mo yan!" sabi ni Kereisha at lumapit na sa akin. Mukhang napuno na sya sa akin.

Syempre hindi naman papatalo ang magandang dyosa diba?? Wala bang cheer dyan?? Cmon lalabanan ko lang ang mukhang Gluta na to!

"Edi wow! Eh ikaw Kerei alam mo yong MAKATI?? Minsan kasi lugar yan...pero madalas IKAW!! At tandaan mo..walang sayo Kereisha akin lang ang Philer ko!!" sabi ko. Psh! Di ako papatalo.

"Emerged! Parang sa Legal Wife lang ah. Nicole ikaw ba yan??" natatangang sabi ni Aina. Baliw talaga!

"Alam mo Lhandy kahit ipagsigawan mo na mahal mo si Philer. Kung ako naman talaga ang mahal nya. Tandaan mo! Paos ka na akin pa rin sya!! At alam mo ba ang PANGIT??? Minsan UGALI...madalas MUKHA mo Lhandy!!"

Nagtawanan naman si Lewis at Pearl.

"Wala ka ng laban Lhandy! Haha" sabi ni Lewis.

"Hoy! Manahimik ka nga dyan hindi ka naman kasali. Kung ayaw mong mapektusan tumahimik ka!" sigaw ni Aina kay Lewis.

"Okay lang Aina kaya ko na to! Wag ka ng tumulong" sabi ko Aina.

"Okay Ganda!" sagot nya.

"Aanhin mo naman ang kagandahan mo Kereisha kung ginagamit mo itong panlandi ng iba?? At saka alam mo yong KERI??? Wala ng minsan at madalas...ikaw na agad Kereisha!" sabi ko at nagsmirk.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Where stories live. Discover now