FINALE

5K 149 31
                                    

FINALE.

LHANDY POV

Hi. Magagandang Dyosa pero mas maganda ako.

Im here. Anong tingin nyo patay na ako?

Magandang Dyosa ako matagal pa akong mamatay dahil baka mabawasan ng mganda dito sa mundo.

And ito na nga hindi ko alam pero naiiyak na rin ako habang nakikita na umiiyak sa harap ko si Pervy.

"bakit ka na-late? Bumabawi ka rin ba sa akin kasi matagal kitang pinaghintay??" sabi ko sa kanya habang tulala pa rin sya at umiiyak.

"Lhandy?" sambit nya.

"ako nga ang nagiisang magandang dyosa!" sagot ko sa kanya.

"Lhandy!" at niyakap na nya ako.

"Lhandy *sob* bakit ngayon ka lang? Ang tagal *sob* kong naghintay sayo. Dalawang taon! Nasasaktan ako grabe pero *sob* tiniis ko lahat yon dahil alam kong makakabuti sayo yon kahit ang sakit sakit na para sa akin!" iyak nya habang nakayakap sa akin.

Kahit ako umiiyak na. Kasal namin ngayon pero umiiyak kami.

"sorry kasi pinaghintay kita *sob* dalawang taon kang naghintay para sa akin pero *sob* andito na ako para sayo and this time sayong sayo na ako! Kahit na malandi ako pero Magandang Dyosa ako pero mahal na mahal kita Pervy hindi ko na sasayangin ang mga taon na nasayang dahil ngayon sa akin ka na din!" sagot ko sa kanya.

Bigla syang bumitiw sa yakap at humarap sa akin.

"Lhandy bakit ngayon ka lang? Ang tagal kong nagtiis" tanong nya at biglang tumulo ang luha sa mga mata nya.

Yong puso ko parang kinurot. Anakngpangit naman oh! Ayoko ng ganitong eksena nakakabawas ng ganda!

Hinampas ko naman sya sa braso.

"gago ka! Kasalanan mo to eh! Hindi ka sumama sa akin diba sabi mo nasa tabi lang kita? Bakit mo hinayaan na magisa lang akong nagpapagaling sa Amerika? Sabi ni Mommy hindi mo daw ako dinalaw! Isang taon Pervy isang taon akong comatose pero hindi mo ako dinalaw!" kunyari galit na sabi ko sa kanya.

Tama kayo ng basa isang taon akong nacomatose ng dahil sa Kinginang MaKathy na yan. Balak talagang patayin ako para ano? Para sya ang maganda??

Duhhh! Mas maganda pa rin ako at ng dahil don kinailangan akong dalhin sa Amerika para doon mapagamot dahil halos tumigil na daw ang puso ko sa pagtibok.

Hindi ba nila alam kay Pervy lang ito tumitibok? Shet! Ang korny ko na!

Ang sabi nina Mommy at Daddy hindi daw sumama si Pervy dahil sinisisi ni Pervy ang sarili nya sa lahat ng nangyari sa akin kaya kailangan muna naming magkalayo.

Nalaman ko yon ng magising ako.

"galit ako sayo kasi hindi mo man lang ako dinalaw kaya sabi ko paghihintayin kita. Kaya isang taon kong inayos ang sarili ko at nagbeauty rest tagal diba? Dejoke pinagpatuloy ko ang pag aaral para sigurado na pagdating at pagbalik ko sayo ikakasal na tayo!" sagot ko.

Ang hirap para sa side ko non na magising ako na wala sya pero tama na muna ang pagiging immature kaya nagdecide ako na wag na munang umuwi. Kailangang ng tamang oras para sa lahat ng oras.

At ito na yong tamang oras na yon.

Isang taon din akong nagtiis.

"at ngayon sa ayaw at sa gusto mo ikakasal ka sa akin at hindi ka na makakatanggi sa Magandang Dyosa dahil pagkatapos niton sa akin ka na Pervy! Father simulan na po natin ang kasal ng wala na itong kawala!" sabi ko kay Father.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Where stories live. Discover now