Thirty Five

2.7K 93 2
                                    

More comment please!!

***

Lhandy POV

HELLO. Muling nagbabalik ang MAGANDANG DYOSA na nambubulabog. Kamusta na kayo mga readers?? Ako nga pala ang bida na kahit MALANDI mukha namang DYOSA!

Oh halata bang good mood ako? Syempre naman magandang dyosa nga diba? Hindi naman ako magdadrama para lang kay Philer sayang naman ang kagandahan ko diba? At saka naisip kong masasayang lang ang beauty ko kung magpapakatanga pa ako sa kanya.

Yong puso ko kasi basag na ito eh pero binasag pa ni Philer.

Nararanasan ko na naman kasi ang nangyari sa past ko eh. Hindi lang ngayon ako na broken ng ganito.

Tapos sasabihin ng iba ang SARAP daw magmahal?? Sabi ko naman weh masarap? Anong lasa? Lasang TANGA???

Hindi naman ako bitter nagpapaka better pa nga ako.

Kaya ngayon papasok ako at good mood ako kasi hindi ko pa nakakasalubong ang basura at basurera ng buhay ko na walang iba kundi si Philer at Kereisha.

Papunta na ako sa room ng makasalubong ko yong jowa ni Aina yong manyak. Naglalakad sya ng nakayuko  at mukhang problemado. Bakit kaya?? Matanong nga.

“hoy Manyak bakit hindi mo kasama si Aina ha?” tanong ko sa kanya pero dineadma nya lang ang magandang dyosa at dire diretso lang sya sa paglalakad.

Okay fine! Kunyare wala na lang nangyari.

Pumasok na nga ako sa room at nakita ko si Aina na nakikipaglandian don sa kabarkada nong Manyak yon mahilig sa Pranks.

Kaya naman nilapitan ko si Aina.

“hoy Aina ano yan #tagLhandy ka ngayon?? Yong jowa mo naglabas mukhang nagseselos dyan sa bago mong kasama. Bakit ba yang si Prank ang kasama mo at hindi si Pervy??”

Hindi sumagot si Aina at nagiwas lang ng tingin sa akin.

Hindi na naman ako papayag na nadedeadma ang magandang dyosa. Kaya hinila ko sya palabas.

“HOY AINA! ANO NA NAMANG PROBLEMA MO??” tanong ko sa kanya syempre concern ako sa kanya kasi nga kaibigan ko sya nandyan rin naman sya yong panahong nagpapakatanga ako kay Philer kaya naman suporta lang ako sa kanya.

“Ganda..break na kami ni Pervy” sabi nya habang mangiyak ngiyak pa.

“sabi ko na nga ba eh walang forever pati infinity puro kayo kaartehan noon tapos ngayon nganga???

“Ganda ang sakit kasi eh kasi mahal ko si Pervy” sabi nya.

“tanga ka pala eh. Bakit mo binreak kung mahal mo pala??”

“naka arrange marriage na kasi ako eh” sabi nya at umiiyak pa rin.

“arrange marriage?? At kanino naman??”

“kay Prank. Nakaarrange marriage ako kay Prank” sagot nya.

Pinatatahan ko naman sya.

“hay grabe talaga yang author na yan gagawa na nga lang ng twist sa story nyo arrange marriage pa talaga? Hindi nya ba alam na masyado ng cliche yang mga arrange marrage na yan! Tsk. Tsk. Baliw talaga yang author na yan pati nga lovelife ko pinagugulo eh. Masyado na yang bitter sa kagandahan ko kaya hindi ako binibigyan ng magandang lovelife.” sabi ko.

“Ganda ang sakit na waahhhhhhh!!”

“alam mo Aina walang gamot dyan sa sakit na yan. Ako nga hindi pa magaling eh” sabi ko.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin