Thirty

2.8K 103 4
                                    

Dedicated to @BerryMallowsMaigne salamat sa pagsuporta at vote and comments na rin sa story na ito. Loveyah!

*****

Aina POV

Natapos na ang seminar actually wala naman interesting na nangyari eh. At nauna na si Lhandy sa akin sa room namin dahil mukhang hindi maganda ang mood nya ngayon dahil sa ginawa sa kanya ni Philer. Nakaka asar naman kasi si Philer eh hindi nya man lang tinanong si Lhandy tungkol sa nangyari. Grrrr!!

“hey Mahal mukhang badtrip ka ah. Anong nangyari?” nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Pervy mula sa likod ko.

“psh! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

Nandito kasi ako sa may lobby ng hotel na tinutuluyan namin.

“syempre nakita kita eh kaya nandito rin ako” sagot nya. “bakit ka nga pala mukhang badtrip?”

“paano ako hindi mababadtrip kasalanan ito ng barkada mo na si Philer eh. Masyado nya ng sinasaktan is Lhandy!!!” sabi ko sa kanya.

“eh yan naman kasing kaibigan mo laging umaasa kay Philer”

“hindi umaasa si Lhandy kay Philer pinagmumukha nya pa ngang tanga si Lhandy eh”

“oh wag ka ng magalit. Halika na nga mag lakad lakad na lang tayo para maenjoy naman natin ang stay natin dito” sabi nya at hinila nya na ako.

“sandali Pervy san mo ako dadalhin?? Pupuntahan ko pa si Lhandy eh” sabi ko sa kanya habang hinihila nya ako.

“basta kailangan naman natin na magrelax. Kaya tara muna sa seaside may time pa naman daw tayo sabi ni Maam bago mag dinner time eh” sabi nya.

Kaya wala na akong nagawa dahil gusto ko rin namang maka bonding si Pervy. Minsan lang ito kailangan ko rin namang lumandi hindi lang si Lhandy.

Hinawakan ni Pervy ang kamay ko at naglakad kami sa tabing dagat may mga classmate din kami na nandon at nagsuswimming. Pero medyo madilim na rin kasi kaya  maganda ang view.

Napatingin naman ako kay Pervy baka kasi umatake na naman ang kamanyakan nya madami pa naman dito ang naka swimsuit.

Pero nagulat ko na nakatitig lang sya sa akin at nakangiting nakangiti. Hindi ko naman maiwasang hindi mamula dahil sa kilig.

“anong tinitingin tingin mo ha?” sabi ko sa kanya.

“para ka kasing abstract painting na kahit hindi ko maintindhan.....ang sarap pa ring tingnan” sabi nya sabay ngiti sa akin.

Bakit ganon?? Bakit ang sweet ni Pervy??? OHNYGANDA!!

“tigilan mo nga ako sa mga banat mo sa akin Pervy hindi ka nakakatuwa” sabi ko sa kanya at pigil na pigil ang mga ngiti ko sa kanya.

“bakit hindi mo ba ako tawagin na Mahal?? Dali na tawagin mo nga akong Mahal dali na Mahal” sabi nya sa akin.

“tigilan mo nga ako dyan sa kakornihan mo Pervy” sabi ko.

“dali naman para ramdam ko naman na mahal mo rin ako. Kasi ako mahal talaga kita Aina seryoso ako” sabi nya habang tumigil kami sa paglakad at humarap sya sa akin hawak ang dalawa kong kamay.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi para akong nahihiya maging vocal sa nararamdaman ko sa kanya, oo nga gusto ko sya pero hindi pa don sa point na mahal na mahal ko sya katulad ng pagmamahal nya sa akin.

“Pervy..” hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nya na lang akong niyakap.

“okay lang Mahal, handa naman akong maghintay kapag ready ka na basta ang mahalaga ngayong sa akin ka. Maghihintay ako kahit hanggang kaya ko hanggat mahal pa kita” sabi nya habang yakap yakap ako.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang