KAPAL 14

2.4K 79 10
                                    

At dahil bumabawi ako at dahil labs ko din kayo. Eto pa ang update!

Enjoy reading guys.

***

"ah Maam Lhandy dito po ba ito ilalagay??" tanong nong katulong ko sa pag oorganize nitong booth ko.

Andito kami sa school para ayusin ang mga booth ganon din ang mga iba kong classmate kahit na wala kaming klase ngayon nandito kami for preparation bukas na kasi ito.

"ah sige sige!" sagot ko.

Masyado akong busy sa project na ito ayoko kasing iutos sa iba baka mali pa ang magawa pa nila wala akong tiwala. Gusto ko ako ang gagawa para kasing ganda ko ang kalalabasan,

May mga naiwan pa akong tinatahi para don sa master piece ko. Syempre gusto ko din na yong sa akin ang may pinaka magandang design medyo hindi ko pa nga alam kung sino ang pwedeng mag model ng  mga design ko. Gusto ko kasi kahit man lang kasing ganda ko pero mukhang wala atang tatalo o papantay sa kagandahan ko.

"hey Lhandy bakit mo ako inwan kahapon sa court? Iniwan mo akong magisa don na parang tanga hinanap kita pero naka alis ka na daw!!" salubong sa akin ng gwapong si Pervy.

Yeah ang gwapo nyang tingnan sa itsura nyang yan pero wala akong pakialam kasi naalaa ko ang ginawa nya sa akin kahapon.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"wow ha ako pa talaga ang nangiwan sayo?? Sa pagkakaalam ko kasi tinatawag kita kahapon pero hindi mo ako kinakausap kasi busy sa pakikipag usap don sa kinginang Kathy sa cellphone mo! Tapos ako pa ngayon ang may kasalanan eh ang sabi mo sabay tayo pero ano!!" sagot ko sa kanya.

Mukha bang OA ang pagkakasabi ko kasi parang girlfriend nya ako.

Napakamot naman sya ng ulo. at oo na ang gwapo nya.

"so nagseselos ka na nyan?" tanong nya at pilyong ngumiti.

Binato ko sya ng hawak kong masking tape kaya naman napatawa sya.

"what ako magseselos? Ang kapal mong manyak ka ha!" sagot ko.

"haha ikaw naman di mabiro si Kathy kasi yong friend ko next time ipapakilala kita sa kanya mukha kasing magkakasundo kayo kasi parehas kayo ng ugali baka maging magkaibigan pa kayo!" sabi nya.

Nagkibit balikat lang ako pakialam ko sa kinginang Kathy na yan pangalan pa lang mukhang makathy na.

"so tutulungan na lang kita dito!" sabi nya.

"mabuti pa nga ng may pakinabang ako sayo!" sagot ko.

Nagsimula na naman syang makigulo sa mga gamit na gagamitin namin.

"ano ba akala ko tutulong ka eh mukhang nakikigulo ka lang naman dito ehh!" sabi ko sa kanya.

Lumapit naman sya sa kinatatayuan ko at nagpacute.

"Eh ano ba kasing maitutulong ko?" inosente nyang tanong.

Napabuntong hninga ako.

"langya akala ko tutulong ka tapos hindi mo pala alam kung ano ang gagawin mo! Umalis ka na nga lang dito!" asar na sagot ko.

Bigla syang ngumuso.

"eh gusto ko dito lang kahit panuorin na lang kita okay na ako!" sabi nya at umupo na lang habang nakatitig sa akin.

Psh totoo ba ang narinig ko?? Bakit parang iba ngayon ang Pervy na kaharap ko.

"tigilan mo ako sa kalandian mo Pervy tumabi ka nga dyan nakakadistract ka eh!" wala sa sarili kong sagot.

Kapag Ang Pangit Ang Lumandi (BOOK 1&2)Where stories live. Discover now