[At Least Once]

736 26 5
                                    

Note: Untold Story of Zaira and Xander when she was still alive.

---

MULI AKONG NAPATINGIN sa dalawang naglalakihang pinto ng mansyon nang makarinig ng paparating na sasakyan. Bumagsak lang ang balikat ko nang mapagtantong hindi si Xander ang dumating. Malapit nang mag-ala una ng madaling araw pero hindi pa rin siya dumadating. Tinawagan ko naman ang kanyang secretary kanina kaso ang sabi sa akin ay kaninang alas nuebe pa daw siya nakaalis ng opisina.

Hindi ko rin matawagan ang phone niya at alalang-alala na ako. Kanina pa ako nagdadasal na sana walang mangyaring masama sa asawa ko. Gusto ko na paggising mamaya ng mga bata ay masisilayan nila si Xander.

Nakarinig ako ng malalakas na katok sa pinto at mabilis akong napatayo! Natataranta akong tinungo ang pinto at mabilis na binuksan ang seradura nito.

"Hey, Zai... nakainom itong si Xander ng madami-dami," bungad kaagad sa akin ni Oliver. "Damn it, ang bigat mo 'pre!"

Tinignan ko si Xander na kalong-kalong niya sa kanyang mga braso. Halos hindi na ito makatayo nang maayos sa pagkakakalong ni Oliver sa kanya.

"I-Ipasok natin siya sa loob," sabi ko at tinulungan na siyang alalayan si Xander.

Dumiretso kami sa sofa at pinahiga namin siya doon. Inayos naman ni Oliver ang kanyang sarili at tinignan ako. "Mauna na ako. Sinabihan ko ang asawa ko na inihatid ko muna ito. He can barely stand up, Zaira."

Tumango ako sa kanya. "Ako na ang bahala sa kanya. Salamat, ha?"

"Sure. I'll be going."

Pinahatid ko siya sa mga katulong namin palabas ng mansyon at tinignan ko si Xander.

Nag-aalangan akong tumingin sa kanya. "Xander?"

Kumibot siya ng kaunti at kumunot ang noo. Lasing na lasing nga talaga siya. Hindi siya pwedeng malasing kasi may pasok pa siya mamaya.

"Akyat na tayo sa taas?"

"Z-Zai..."

"Hmm?" Parang ang sarap pakinggan sa tenga! Ngayon ko na lang ata narinig mula sa kanya na bigkasin ang pangalan ko na walang halong galit at hindi pilit.

Hinaplos ko ang pisngi niya at dahan-dahang ngumiti. "Lasing ka, Xander. Akyat na tayo para makapagpalit ka na rin."

"You can't carry me, Zai..."

Huminga ako ng malalim at tatayo na sana pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko para mapigilan ako.

"Dito k-ka lang."

"Xander, kailangan mo nang magpalit at—"

"Ang tigas ng ulo mo, asawa ko. Dito ka lang sabi ko nga, 'di ba?"

"P-Pero—"

"Let's go to the kitchen. Ipagluto mo 'ko ng sabaw—'yong gustong-gusto ko, asawa ko..."

Sinabi niya 'yon habang may ngiti sa kanyang mga labi at nakapikit. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya pero unti-unti ko na itong nagugustuhan. Ito na kaya ang bagong simula namin? Hindi ko maiwasang umasa.

"S-Sige, pero kailangan mong tumayo, Xander—"

Bigla na lamang siyang tumayo! Mabilis ko namang sinundan siya at inalalayan siya nang magsimula siyang maglakad. Medyo pagewang-gewang siyang mag-lakad pero hinawakan ko ang kamay niya at ang likod niya.

Dumiretso kami sa kusina at umupo siya sa may kitchen counter. "You look beautiful tonight, my Zaira Leigh..."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya! Napatingin ako sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang sinseridad doon. "S-Salamat..."

Beyond WordsOnde histórias criam vida. Descubra agora