[A Special Encounter]

6.4K 135 18
                                    

Note: This is not a letter of Xander. Just one of the happenings that is untold. Xander's POV also. Enjoy! :) 

//

"Xander, Xander... asawa ko..."

Lumapit ako ng kaunti sa kanya. Hindi ko siya pwedeng hawakan... kung hindi, mawawala siya... mawawala siya ulit.

"Mag-usap tayo, Zaira. Katulad ng dati... ganitong oras ng gabi..."

Ngumiti siya sa akin at tumabi na dito sa kama. Hinawakan niya ako sa braso habang ako ay pinipilit ko ang sarili ko na 'wag siyang hawakan. Siguro, kailangan kong makuntento dito.

"Kamusta ang naging araw mo, asawa ko?" Napapikit ako ng mariin sa tanong niya.

"I miss you as always..." Napahinga ako ng malalim. "Araw-araw naman 'yon, Zaira..."

"Palagi naman kitang binabantayan, Xander. No need to miss me. You just need to go on with your life without me. Always remember that I am your wife who will always cheer for you whatever or wherever you will go. Nandito ako palagi... asawa ko..."

Napahigit ako ng hininga at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak.

"Bakit ba kasi napakasama kong tao, Zaira?"

Hinarap niya ako sa kanya at mabilis na umiling. "Hindi totoo 'yan, Xander. Sabihin mo nga sa akin kung bakit ako nagpakasal sa 'yo sa pangalawang beses kung masama kang tao? Sapat ka para sa akin, Xander. Mahal kita, 'yon lang ang importante, asawa ko..."

"There is always a pang of pain and guilt if I will replay the years I've done to you..." I faked a laugh. "Nagsisisi ka siguro dahil pinakasalan mo ulit ang isang katulad ko."

She hushed me and kissed my shoulder. "Xander, mahal kita. Hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo 'yan. Bakit ba ako magsisisi? Pinadama mo sa akin kung gaano ka kasarap mag-mahal. Nagpapasalamat ako dahil doon."

I fight the urge not to touch her. Gusto kong kontrolin ang sarili ko sa pagkakataon na ito dahil sayang ang panahon. Sayang ang oras na ito kung masayang lang.

"But I caused you more pain than... than l-love."

"Xander, loving you is enough for me to bear the pain that I experienced through out the years. Palagi naman kitang minamahal, at hindi ako magsasawang sabihin at ipadama sa 'yo 'yun."

Yumuko ako. Tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko sa aking pisngi. "I love you, wife... I love you so much!"

Niyakap lang niya ako at hinayaan na humagulhol.

"'Wag ka nang umiyak. 'Yung mga bata, palagi ko namang hinahalikan sa noo sa tuwing matutulog na sila. Palagi akong nakabantay sa inyong tatlo. Always remember that my presence is always at your side. Wala 'man ako sa inyo ng physically, nasa puso niyo naman ako."

She kissed me on my forehead down to my nose and the side of my lips... I looked up at her.

"Zaira..."

She cupped my face and nodded. "Sleep well, asawa ko. Dream of me... like you always do, asawa ko."

Tumayo na siya at mabilis akong umiling. "No, Zaira... please don't leave me yet... please!"

"Xander, kailangan na. Babalik ako. 'Wag kang mag-alala. Wait for me again?" I felt a sudden relief at what she said and nodded.

"Promise me you'll come back." Tumango siya at ngumiti.

I closed my eyes... ayokong makita siyang umaalis ulit... kasi, masakit pa rin talaga.

--- 



Beyond WordsWhere stories live. Discover now