Chapter 3: Gangsters

Start from the beginning
                                    

"Understood?" malamig na wika ni miss Janina

Lumayo naman agad si miss Janina pagkatapos at tumalikod upang kunin ang chalk sa board. Nang bigla na lamang may naghagis ng kutsilyo patungo sa kaniya. Nabigla ako kaya hindi man lang ako nakagalaw, at ni isa man lang sa kanila ay hindi pinigilan ang babaeng naghagis kay miss Janina.

Hindi ko rin alam kung saan galing ang kutsilyo niya. Kailan pa naaprubahan ang pagdala ng mga matutulis na bagay dito sa loob ng university? Sa bilis din ng pangyayari ay halos hindi na ako makahinga.

Bumulusok ang kutsilyo sa ulo ni Miss Janina at akala ko ay matatamaan siya. Ngunit... nagkakamali ako. Mabilis na nakuha ni Miss Janina ang kutsilyo in a span of time at agad na inihagis pabalik ang kutsilyo sa babae at natamaan naman ito sa pisngi.

I hear a lot of gasp na ako rin mismo ay nabigla. Napatahimik naman sila at nagkatinginan. Mabilis na kinuha ng mga lalaki ang matalim na kutsilyo sa ilalim ng inuupuan nila at sabay-sabay na inihagis kay miss Janina.

Hindi ko alam kung normal pa ba 'to basta ang alam ko ay napaka delikado ng paaralang ito. Nakita ko rin na parang sanay na ang iba sa nakikita nila. Napatingin naman ako kay miss at sisigawan na sana siyang umilag siya. Pero hindi! Wala akong nagawa.

Hanggang sa sabay-sabay na nakuha ni miss Janina ang kutsilyo na papunta sa kaniya at inihagis ito pabalik sa kanila. Woah! At natamaan pa talaga lahat ng mga lalaking naghagis sa kaniya ng kutsilyo! I can't believe this!

Nakita kong walang ka hirap-hirap na ginawa iyon ni miss na parang sanay na siya. Tiningnan ko naman ang iba pa na parang hindi na makapagsalita.

"Ginagalit niyo ba talaga ako? The heck! Kung gusto niyo palang patayin ako, 'yong makakasigurado kayong magkapantay na tayo. Try to do it again at ako mismo ang tatapos sa buhay niyo," she paused.

"At sa oras na malaman kong may gagawin kayong masama?" she grins. "Matatanggal na kayo sa university na 'to." sabi niya na nakapagpatahimik sa lahat.

Bago ko palang nalaman kay Xander kahapon na kapag dito ka pala papasok tas ma e-expelled ka na naman ay paniguradong wala ng tatanggap na ibang university sa iyo. That's the rule.

Halos mayayaman din ang mga estudyante rito kaso bawal kasing makapag trabaho ng walang natatapos na kurso or should I say kahit level man lang ng kolehiyo. At sa nangyari ngayon alam ko na talagang nandito na ako sa teritoryo nila. Teritoryo ng mga basagulero, nag rebelde at mga gangsters.

Nang makita ni miss Janina na hindi na sila gumagalaw at parang wala na silang balak na maghagis muli ng kutsilyo ay agad niya ng kinuhang muli ang chalk na nakalagay sa ilalim ng board at nagsulat.

"Janina Mondragon," I read.

Humarap naman siya sa amin at isinaayos ang buhok niya. Her long and curly hair gives a fine impression on her face, at parang may kamukha siya. I smiled, she is beautiful though at hindi ko akalaing kaya niyang mapa atras ang mga estudyante dito.

Nakita kung magsasalita na sana siya ng may bigla na lamang pumasok sa loob ng silid.


"Nandito na sila girl!"

"Eeeh, ang hot talaga!"

"Ang Devil Phoenix!"

"Wow, Alex my loves!"


Nang marinig ko ang tilian ng mga babae ay napairap naman kaagad ako. Pinagmasdan ko ang sabay-sabay na pagpasok ng apat at napa buntong hininga. Nanghahakot talaga ng atensyon!

"Oh, Janina? Nandito ka na pala!" wika ni Leo kay miss Janina at nginitian ito.

Nagtaka naman ako sa inasal niya kay miss. Pati nga rin ang iba ay nagtaka.

"Magkakilala sila?" rinig ko agad ang bulongan nila.

"At bakit kayo late aber?" sita ni miss Janina sa apat at nakita kung napatawa naman sila.

"Parang 'di ka na nasanay sa amin." wika ni Topher.

Tinaasan naman siya ni miss Janina ng kilay bago nagsalita.

"In this room hindi niyo ako kaibigan at ikaw Kiero?! Porket kapatid kita ay papalampasin na kita sa ginawa niyo!" Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay lahat nabigla, mismo nga rin ako.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at sinave doon ang nalalaman ko.

"Janina Mondragon. Sister of Kiero Mondragon," I type.

Hindi ko alam na magkapatid pala sila. Kaya pala parang may figure na magkamukha sila. Their eyes are the same.

"Kaya kayong apat. I will give you a punsihment," she said at nakita ko namang napa angal sila sa sinabi nito.

"Pero," panimula ni Alex kaya lang inunahan na ito ni miss Janina.

"No buts! At sa araw na ito? Ako na ang susundin niyo. Sa ayaw o sa gusto niyo!" sabi niya sabay turo sa amin ng isa-isa.

Nakita ko pang napalunok sila at kadalasang nag re-react ay mga babae.

"Kapatid pala siya ni Kiero? Kailangan nating mapalapit sa kanya!" agad na bulongan nitong nasa harap ko lang, kaya napa irap na naman ako.

"Sipsip!" mahinang bulong ko at napalinga linga na lamang sa mga naririnig ko.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now