Chapter 21.1 Jordon

Start from the beginning
                                    

Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo at walang nagtangkang magsalita. Nanatili naman akong nakapikit habang pinakikiramdaman sila.

"Pinagbawalan kayong lumabas ng mga kwarto niyo bukas bilang parusa sa kaguluhang ginawa niyo kanina. Tinanggal din nila ang puntos na nakuha ng Omega noong binigyan kayo ng misyon na hanapin ang mga nawawalang babae sa Atlantis. Iyon ang parusang binigay ng mga nakakataas sa lahat ng miyembro ng omega" nagpanggap akong walang narinig at nanatiling nakapikit. Hindi ko tinangkang magtanong pa kay Talya dahil sapat na yung mga narinig ko mula sa kanya.

Muli ay nabalot nanaman kami ng katahimikan. Pagkatapos ay naramdaman ko na tumayo na silang dalawa at kapwa nahiga na din.

"Salamat at ayos ka lang. Nag-alala kami sayo Mira" kahit hindi ko tignan ay alam ko na si Assana iyon. Parang papaiyak na siya dahil sa lungkot ng boses niya.

"Salamat" iyon lang ang na sabi ko pagkatapos ay tumagilid na ako sa kanilang dalawa at saka napangiti ng mapait.

Ayaw ko munang mapalapit sa kanila ng husto tama na ang dalawang beses na mawalan ako ng kaibigan. Hindi ko na siguro kakayanin kung maulit pa ang mga iyon.

Ang kailangan ko ngayon ay mahanap si Hurley dito sa Atlantis. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong kailangan ko siyang mahanap.

Alam kong kailangan niya ang tulong ko

***

Buong maghapon lang akong nakahiga dito sa kama dahil bawal kaming lumabas. Sinubukan ko na kaninang tumakas pero may mga naka bantay naman sa may pintuan. Nabubuksan lang iyon kapag may magdadala sa akin ng pagkain.

Pati sila Assana at Talya ay hindi ko narin nakita simula kahapon. Pagkagising ko ay wala na silang dalawa at hindi pa sila bumabalik hanggang ngayon.

Hinayaan ko nalang narin naman dahil alam ko na iyon yung masmakakabuti sa kanila. Ayoko na mapahamak sila ng dahil sa akin. Ayoko na maslalo pa silang mapalapit sa akin hanggang hindi ko pa nakikita si Hurley.

Hindi ko alam kung bakit pero pagkatapos ng Avonmora at Eldoris ay sisimulan ko ng hanapin si Hurley dito sa Atlantis. Alam kong nandito lang siya kaya gagawin ko ang lahat para lang makita siya ulit.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa aking kama at saka pumunta sa bintana para tignan ang nangyayari sa labas.

Mula dito sa bintana ay makikita ang mga estudyante na masayang naglilibot sa field
At nagtitingin tingin sa tindahan. Kahit na malapit ng sumapit ang gabi ay makikita parin ang sobrang daming estudyante sa paligid.

Muli kong nilibot ang aking paningin pero nahinto iyon sa isang malaking puno sa di kalayuan sa akin.

May isang lalaki doon na nakasandal sa puno at nakatingin mismo sa akin. Kahit na malayo ay alam ko na nakangisi siya ramdam ko rin ang kakaibang presensya na hatid niya pero ang nakaagaw talaga ng aking atensyon ay ang kanyang mga mata.

Dahil mula sa kintatayuan ko ay kitang kita ko ang kulay berde niyang mga mata.

Tila nanigas ako sa aking kitatayuan ng magtama ang aming mga mata. Alam kong may kakaiba sa kanya kaya nagkakaganto ang katawan ko. Alam kong may kakaiba siyang dala ...

Panganib

Nasisisguro ko rin na hindi siya isang Atlantians dahil sa pagkakaalam ko ay kulay asul ang mga mata ng Atlantians at hindi kulay berde.

Ang pinagtataka ko nalang ay kung papaano iyon nakapasok dito sa Atlantis at anong ginawa niya dito sa Amphitrite University.

Maslalo akong kinabahan ng magsimula siyang maglakad papunta sa kumpol ng mga estudyante. Yumuko siya saglit pero hindi parin na aalis ang ngiti sa kanyang labi. Pagkatapos ay patuloy na tinahak ang kumpol ng mga estudyante.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now