Chapter 21.1 Jordon

Start from the beginning
                                    

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang angil ni Evian mukhang galit nanaman ito. Nakita kong nakaharap ito sa leader ng Omega at nakabuka ang mga pakpak nito.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Evian sa kanya at pati narin kay Kai. Kanina ko pa nakikita na inaangilan ni Evian ang leader ng Omega at handang handa na itong atakihin. Si Kai naman ay muntikan na niya kaninang mapuruhan ng magpalipad siya dito ng mga nakakalasong balahibo niya buti nalang ay naagapan ko at nasalag ang mga iyon.

Nakakapagtaka din na silang dalawa lang ang ginaganito niya. Samantala ang ibang miyembro ng Omega ay maayos naman ang pakikitungo niya.

"Evian" tawag ko dito gamit ang aking isipan. Napalingon siya sa akin kaya tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at saka ako naglakad papalayo sa kanila. Ramdam ko naman na sumunod siya sa akin.

Kailangan ko munang mailayo si Evian sa kanila bago may mangyaring hindi maganda kaya pumunta ako sa di kalayuan at saka doon naupo. Ramdam ko naman ang pagtabi niya sa akin.

"May nalaman ka na ba?" tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kawalan. Hindi ko na kailangang ipaliwanag sa kanya ang tanong ko dahil alam ko na alam na niya iyon.

"Pasensya na mahal na reyna pero ginawa ko na ang lahat pero wala parin akong nakukuhang impormasyon tungkol sa kanya" sagot niya sa akin na ikinakunot naman ng noo ko. Nanatili akong tahimik kaya muli siyang nagsalita.

"Sinubukan ko na rin na maghanap ng iba't ibang impormasyon tungkol sa mga tagapagmana ng limang kaharian sa Atlantis pero wala parin akong nalaman" pagpapatuloy niya na maslalong pinagtaka ko.

"Hurley" wala sa sariling bulong ko habang nakatingin sa mga kawayan sa paligid namin.

"Nasan kana ba?" tanong ko sa kawalan.

Alam kong nakita ko ng aking mga mata kung pano sinaksak ng leader mg Omicron si Hurley pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na buhay siya. Hindi na namin natagpuan ang katawan niya pagkatapos niyon kaya alam ko na buhay siya.

Ang sabi niya rin sa akin noon ay isa siyang prisipe dito sa Atlantis pero bakit walang mahanap si Evian na tungkol sa kanya. Ang sabi niya pa ay siya ang tagapagmana ng kaharian nila kaya nakakapagtaka.

Limang kaharian lang ang meron sa Atlantis kaya nakakapagtakang hindi kaagad iyon malaman ni Evian. Maliban nalang kung nagsisinungaling si Hurley sa akin noong sinabi niya sa akin na isa siyang prinsipe.

Napailing ako sa aking naisip dahil alam kong hindi iyon magagawa sa akin ni Hurley. Hindi niya magagawang magsinungaling sa akin kaya alam ko na nandito siya.

At kailangan ko siyang mahanap.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo ng mapansin na dumidilim na ang paligid. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanila at saka ko sila inaya ng bumalik sa mga kwarto namin.

Sinabi ko rin na sumakay nalang kami sa mga Nixie para mailipad nila kami papuntang kwarto. Paniguradong may mga estudyante parin na nag aabang sa labas nito kaya sumang-ayon nalang sila sa akin.

Pagdating ko sa kwarto ay ang boses kaagad ni Assana ang sumalubong sa akin at ang nag-aalala nitong mukha.

"Mira! Saan kaba galing? At ano ba talagang nangyari kanina?" bungad niya sa akin kasabay ng isang yakap na hindi ko na tinanggihan.

Napatingin naman ako kay Talya at nakatayo siya sa likuran ni Assana pero mababakas din ang pag-aalala sa mukha niya.

Pagkatapos ay dumeretso na ako sa higaan ko at walang sinagot sa mga tanong nila. Nahiga ako doon at ramdam ko naman na sumunod silang dalawa at naupo sa katabing kama sa gilid ko.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now