Chapter 49 (Saving Jaki)

263 11 8
                                    

Jaki's POV


Iminulat ko ang mga mata ko ng makarinig ng mga yabag papalapit sa akin. Ipinalibot ko paningin ko at napansin na hindi pamilyar sa akin ang lugar na 'to. Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero bigo ako dahil napakahigpit ng pagkakagapos sa akin dito sa kinuupuan ko. Bukod dun ay may tape ang bibig ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Sa tingin ko ay nasa abandunadong budega ako.

Ilang saglit pa ay may naaaninag na akong papalapit sa akin. Hindi ko makita ang mukha nya dahil naka-hoodie sya, bukod dun ay isang ilaw lang meron sa lugar na 'to at yon ay nasa ulohan ko. Kaya ako lang ang nakikita sa lugar na 'to. Nang isang metro nalang ang pagitan naming dalawa tumigil sya sa paglalakad. Alam kong tinititigan nya ako kahit hindi ko nakikita ang mukha nya.


"Hello there Jaki... Gising ka na pala." bati niya na parang may ngiti sa labi.


Tiningnan ko sya ng matalim... Siguro ito ang sinasabi ni Tatay na naka-hoodie. Ano bang nagawa namin sa kanya para ganituhin niya kami?!


"Oh, you can't talk? May gusto ka bang sabihin sa akin? I can remove that tape from your mouth..." sabi nya. "Okay, I'll remove that, but I will clarify one thing... Kahit ano o gaano pa kalakas ang sigaw mo, walang mangkakarinig sayo. So if I were you, don't try to waste your voice."


Unti-unti syang naglakad palapit sa akin at tinanggal ang tape na nakadikit sa bibig ko.


"Sino ka ba?! Ano bang kasalanan namin sayo?!" galit na sigaw ko sa kanya.


"Woah! What a brave woman!" gulat na sabi nya. "For your f*ck*ng information, hindi ikaw o ang mga magulang mo ang may kasalanan sa akin."


"Eh bakit kami ang pinuperwisyo mo?!" galit na galit kong tanong sa kanya.


Dahan-dahan itong naglakad paikot sa kanya.


"Good question Jaki. Bakit kayo? Because I know that, you all are his weaknesses... Especially you Jaki." sagot nya.


Hindi ko sya maintindihan. Paanong ako ang kahinaan ng taong yun? Sino ba ang sinasabi nya?


"Confused I see... Ang taong yun ay minamahal mo lang naman ngayon!" sabi pa nya na ikinaluwa ng mga mata ko.


S-si Vice?! Bakit si Vice? Mabuti syang tao, kaya napakaimposible rin na may gusto ng pumatay sa kanya ng ganito.


"Now you get it. Hmmm... Mukhang time na para tawagan ko sya. At ipaalam na nasa akin ang babaeng minamahal nya." sabi nya sabay hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa.


Kinalikot nya ang cellphone at ilang saglit lang ay ipinakita nya sa akin kung sino ang tinatawagan nya. Si Vice nga. Nang sagutin yon ni Vice agad akong sumigaw.


"VICE! PLEASE TULUNGAN MO AKO!" sigaw ko.


Agad nyang inilayo sa akin ang cellphone nya. Nakita kong may pinindot sya dun at
saka nagsalita.


"Did you like my presents Viceral?" tuwang-tuwa na tanong niya kay Vice.


"H*yop ka! Wag na wag mong sasaktan si Jaki dahil sa oras na may makita akong kahit maliit na galos lang sa kanya, siguradong papatayin kita!"


Tumawa sya ng mala-demonyo at tumingin sa akin. Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa takot.


"I didn't expect na magiging tuwid kang tao, I mean hindi ko in-expect na magmamahal ka ng ganito sa isang babae. Really? Kaya mo akong patayin kapag sinaktan ko 'to? Why I felt excited about that?" sabi nya kay Vice.


Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon