Chapter 17 (Dinner With Gonzaga Family)

687 27 0
                                    

Jaki's POV



"Ako na dyan Nak... Dun ka na! Samahan mo sya dun sa salas." sabi ni Mommy.



"Eh tutulong na lang po ako sayo." sabi ko.


"Sige na! Kaya ko na 'to, samahan mo na nga sya dun." sabi nya sabay tulak sakin papunta sa salas. "Oh! Dito lang kayo, hintayin nyo lang matapos ang niluluto ko."


"Sige po Tita." sabi ni Vice sabay ngiti.


Bumalik na si Mommy sa kusina at kaming dalawa naman ang naiwan dito sa salas. After namin kasi mamasyal kanina, inaya ni Mommy si Vice na dito na lang sa bahay mag-dinner. And eto na nga... Umupo ako sa tabi nya.



"Ang cute pala ng bahay nyo noh?" sabi nya.


"Mas cute ka pa dyan, wag ka papakabog." biro ko sabay tawa.


Natawa din sya sa sinabi ko.


"Ahh asan mga Kuya mo?" natatawa nyang tanong.



"Ah si Kuya Kiko mamaya pa siguro ang uwi nun. Then yung mga iba kong Kuya hindi umuuwi dito kasi sa malayo sila nagta-trabaho." sagot ko.



Napatango-tango naman si Vice habang natatawa.



"Bakit?" natatawa kong tanong. "Naku! Vaklang 'twoh!"


Tumawa man kaming dalawa ng malakas. Iba rin 'to eh! May jowa na naghahanap pa.



"Joke lang! Eto naman di na mabiro." sabi nya sabay akbay sa akin.


Nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan. Sira ulo talaga 'to eh! Hinawakan ko ang kamay nya at tinanggal sa balikat ko. Landi rin neto! Tumawa nanaman sya.



"Sira ka talaga! Ano bang gusto mo? TV? Gusto mong mag-internet? Meron dito..." tanong ko.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang