Chapter 31 (Surprise)

617 33 0
                                    

Jaki's POV



"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit kita iniiwasan?" walang emosyong tanong ni Vice.



Hindi ako makagalaw o makapagsalita manlang. Nakakatakot sya, ibang-iba sya pagnagagalit.


Tumulo nanaman ang luha ko. Ano ba 'to? May sira na ata itong mata ko.


Napapikit naman sya sa sobrang inis, pagmulat nya tinitigan nya ako sa mata.


Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin.



"Gusto mong malaman hah, sumama ka sa akin ng magkaalaman na." sabi nya.



Hila-hila ako hanggang sa makalabas kami ng building at isinakay nya ako sa kotse nya. Gusto ko mang itanong kung saan kami pupunta pero hindi ako makapagsalita, natatakot ako na baka mas lalo syang magalit.


Habang nagbi-byahe kami unti-unti na akong nagkaroon ng idea kung saan kami pupunta.


Naalala nyo pa ba yung pinuntahan namin dating secret place nya? Sa tingin ko dun kami papunta ngayon.


Tinitigan ko sya habang seryoso syang nagda-drive, nakakatakot syang tingnan paggalit sya lalo na pagnaka damit panglalaki sya. Yung parang bigla nalang nanununtok pagnagagalit.


Panlalaki nanaman ang pustura nya ngayon eh. Ganyan na sya nung mga nagdaang araw. Sa tuwing susunduin nya kami naka Vice Pogi Mode sya, pero pagsumalang na sa camera nagiging Vice Ganda na sya then pag-ihahatid na kami sa apartment nagiging Vice Pogi nanaman sya.


Nakakalito na rin 'tong tao na 'to, kung lalaki na o vakloosh pa rin.


Hindi ko namalayang nandito na pala kami. Pagka-park nya ng kotse, dali-dali syang bumaba at pinagbuksan nya ako ng pinto then hinila nanaman nya ako.


Hanggang ngayon galit pa rin ang mukha nya.


Ganito ba talaga kabigat ang kasalanan ko? Ano bang nagawa kong kasalanan?


At isa pa, among meron sa lugar na 'to? Bakit dito nya ako dinala?


Magtatanong na sana ako, pero sakto namang nakarating na kami dito sa taas. Binitawan nya ako sa gitna nitong plaza.



"Bakit dito mo ako dinala? Anong meron dito?" tanong ko sa kanya.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon