Chapter 28 (Time To Shine)

597 27 1
                                    

Jaki's POV



"Surprised?" nakangiting tanong ni Vice.



Napanganga kami ng makita sya. ANG GWAPO NYA!!! Kinuha nya ang shades na nakasabit sa T-shirt nya at isinuot nya 'to.

SHET! HE'S FREAKING HOT!

Nakasuksok ang mga kamay nya sa bulsa at nakangiti. And the way he stands... Gosh! Lalaking-lalake talaga!



"Oh.my.God! VICE! PA-PICTURE!!!" sigaw ni Madc.



Dali-daling lumapit si Madc kay Vice then nagpa-picture.



"Kami rin!" sigaw din nila Melvie at Charm.



Nagsilapitan sila kay Vice para magpa-picture.



"Jaki! Halika! Sumama ka na dito dali! Remembrance din 'to oh!" sabi ni Madc sa akin.



Napangiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanila. Bigla naman akong hinila ni Madc at itinabi kay Vice.

My gosh! Kahit kailan talaga... Hay naku!



"1...2...3..." bilang nila sabay selfie.



Natawa ako kasi isang bilangan lang tinadtad nila ng pictures.



"Kahit saang anggulo talaga, bagay kayong dalawa. Lalo pa't nagdamit lalaki ngayon si Meme oh! Or should I say Kuya Boy? Haha!" sabi ni Melvie.



"Hahaha! Ang ingay nyo, Tara na nga!" sabi naman ni Vice.



Bigla nya akong hinila papunta sa kotse nya. Yung tatlo naman tuwang-tuwa at kilig na kilig pa. Sumakay na rin sila sa likod at pinaandar na ni Vice ang kotse.

Hindi ko mai-alis ang mga mata ko sa kanya... Para syang magnet na naa-attract ang mga mata ko.



"Bakit ganyan ka makatingin?" nakangiting tanong ni Vice ng hindi lumilingon sa akin.



Bigla akong umiwas ng tingin. Iba rin ang taong 'to, may mata yata 'to sa gilid ng ulo nya.




"H-hah? S-sino?" nauutal kong tanong.



Ngumiti lang sya at umiling-iling. Ugh! Ngumiti ka pa talaga!



"Bakit ba naisipan mong magsuot ng ganyan?" tanong ko sa kanya.



"Wala, trip ko lang... Bakit? Is this bothering you?" nakangiting tanong nya rin.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now