Chapter 36 (Protective Vice)

374 24 11
                                    

Jaki's POV


Alam kong may iba, may kakaiba sa paligid ko. Lalo na si Vice, napapadalas na kasi ang pagiging balisa nya. Gusto ko mang tanungin kung ano ba talagang problema nya, pero baka gusto nyang solohin lang. Hihintayin ko nalang kung kailan nya sasabihin sa akin.


"Huy! Okay ka lang? Di ka nanaman makapagfocus ah! Nag-away ba kayo ni Meme?" tanong ni Madc.


"Di naman... Medyo kakaiba lang sya eh. Parang masyado na nya akong binabantayan, inaalagaan..." sabi ko.


"Eh ganun naman talaga di ba yun?" sabi nya sa akin.


"Pero may iba talaga eh." sabi ko ulit.


Nakakapanibago talaga sya, wag naman sana masama ang nangyayari sa kanya.

Bigla namang tumabi sa amin si Melvie at Charm. Namiss ko rin 'tong mga taong 'to... Namiss ko yung kulitan at chikahan namin noon. Ngayon kasi bihira nalang kaming makapagkwentuhan, kahit magkakasama kami sa apartment di na kami masyadong nagkakausap kasi pag-umuuwi na ako minsan tulog na sila.


"Bakit matamlay ka ngayon? Baka pinababayaan mo na sarili mo." sabi ni Melvie.


"Sigurado ka bang hindi mo pa sinasagot si Vice?" tanong ni naman ni Charm.


"Hah? Oo bakit?" tanong ko rin sa kanya.


"Parang kayo na kaya." sagot nya.


"Sagutin mo na kaya, tutal parang wala na rin namang pinagkaiba sa magjowa." sabi ni Madc.


Napaisip naman ako sa sinabi nila... Kahit naman ako ganun ang nararamdaman. Lagi kasi kaming magkasama mula pagpasok hanggang sa pag-uwi. Pero hindi naman ako nagmamadali.

After naming magrehearsal pumunta kami sa DR ni Vice. Sinama ko na 'tong tatlo dahil nagpupumilit na sumama sa akin.



Someone's POV


It's been days since I told him to get ready for Level 2, but suddenly there's an idea that came into my mind.

Sa tingin ko hindi ko na sya kailangang patayin... Dahil sya rin ang papatay sa sarili nya pagnawala ang lahat ng meron sya. Pero hindi ko naman gagalawin lahat. Isa lang talaga ang target ko, at siguradong hindi nya kakayanin ang lungkot na mararamdaman nya kapag nawala na 'to. I have my Ace, Viceral!

Sisirain ko ang dahilan ng sayang nararamdaman mo ngayon.


"Boss, okay na po..." sabi ng bata ko.


"Handa ka na ba?" tanong ko sa kanya.


"Opo Boss!" malakas nyang sagot.


"So kelan ang start mo?" tanong ko ulit sa kanya.


"Bukas na po Boss." sagot nya.


Napangiti nalang ako sa tuwa... Sisimulan ko na ang Level 2 mo Viceral, and this Level will be forever.




Vice' POV


Ilang araw na ring walang paramdam si Big Brother... Oo! Yung demonyong nagbabanta sa akin. Big Brother ang tawag ko sa kanya kasi magkapareho sila ng boses.

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant