Chapter 6 (Awkward To The Max)

672 23 4
                                    

Tom's POV

Huh! Kala mo ah! Sorry Viceral, But Jaki is mine. Tawang-tawa ako sa mukha nya kanina. Hahaha umuusok na siguro ang ilong nya ngayon. Nandito na kami ngayon ni Jaki sa pinaka-mamahaling Resto dito sa bansa. Syempre gusto kong special din ang place na pupuntahan namin. Kanina pa sya di umiimik. Ano bang problema nito?

"Ah babe? Is there a problem? tanong ko sa kanya.

" Hah? Ah wala! Napagod lang kasi ako sa rehearsal namin kanina." sagot nya.

"Ahhh ok... After nating kumain dito ihahatid na agad kita" sabi ko then smile.

Tumango naman sya at bumalik na sa pag-kakain. Nagbago na talaga sya, she's not the Jaki that I met before. Parang ang cold na nya sa akin lately. Bigla nalang talaga syang nag-iba sa akin.


"Nagustuhan mo ba dito?" tanong ko.

Tumango naman sya nang nakangiti, but there's something wrong. I can feel it. Something na Hindi ko gusto. Something na kinakatakutan ko.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung... Kung mahal pa ba nya ako... Or... Tuluyan na syang nahulog sa taong pinag-seselosan ko.


Vice' POV

"Oh Tutoy andito ka na pala?" sabi ni nanay.

"Ay hindi po Nay, di po si Tutoy ito. Si Bonita po talaga ako." Biro ko kay Nanay.

Nga pala nakauwi na si Nanay nung February pa. Na-kwento ko lahat sa kanya. Fan na fan din nga sya ni Jaki, tuwang-tuwa sya pagnag-momoment kami ni Jaki.


"Ito naman! Bakit mainit nanaman ang ulo mo? Samantalang yung ngiti mo kanina sa TV abot tenga na." tanong ni Nanay.


"Eh may sumira po kasi ng araw ko." sagot ko.


"Hmm... Sige na kamain na tayo. Halika na pinagluto pa naman kita." sabi ni Nanay sabay hila sa akin.

Dinala nya ako sa kusina tapos pina-upo na nya ako.

Habang kumakain kami kwento sya ng kwento about dun sa kanina sa amin sa PUROKATATAWANAN.


"Nak dalahin mo naman dito si Jaki." sabi ni Nanay.


Nasamid ako sa sinabi ni Nanay. Ano bang nakain neto?


"Hah? Bakit po?" tanong ko.


"Anong hah? Anong bakit? Gusto ko lang makita yung tao sa personal." sabi ni Nanay.


"Di... Kasi nga... Eee nakakahiya... Para kasing---"


"Nakakahiya? Kinakahiya mo na ba ako ngayon Tutoy?" tanong ni Nanay.


Hay naku! Si Nanay talaga kahit kailan may pagka-OA din. Nahawa yata 'to ni Anne.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon