Chapter 25 (Preparation)

552 25 3
                                    

Vice' POV




"Sis, pupunta ka ba mamaya sa Premiere Night ng Unli Life?" tanong ni Anne sa akin.




"Nope... Ikaw na lang, samahan mo si Vhong. Kawawa naman yung tao... Hahaha! Di, may gagawin kasi ako mamaya." sagot ko.




It's been 2 weeks since mangyari ang nakaka-bwisit na araw na yun. Nasayang ang paghihintay ko ng matagal, mabuti na lang talaga napigilan ko ang sarili ko... Naku kung hindi, malamang comatose pa rin ang lalaking yun.

Sa ngayon at nasa backstage kami,  commercial break pa naman eh.




"Ohh... Sigurado ka? Di ka talaga pupunta?" tanong pa ni Anne.




"Bungol?! Bungol ka 'teh?! Paulit-ulit? Hindi nga di ba? Bakit ba?" tanong ko rin sa kanya.




"Eh kasi narinig ko kanina na pupunta sila Jaki dun. Oh ano? Ayaw mo?" tanong nya pa.




Napaisip naman ako... Kung pupunta si Jaki sun natural kasama rin nya si Tom. At kung pupunta si Jaki... Paano na yung plano ko? Ugh!




"Hindi pa rin ako pupunta... May gagawin nga kasi ako." sagot ko.




"Ano ba kasi yang gagawin mo?" tanong nanaman nya.




Magsasalita na sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko.




"Hello?"




"Hello po? Ahh ready na po lahat, naayos na po ang pina-reserve nyo."




"Good! Okay sige... Thank you."




Binaba ko na ang linya ko... So okay na! Ready na! Sya na lang ang kulang.




"Who's that?" tanong nya habang nakakunot ang mga kilay nya.




Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya kaya biglang lumaki ang mga mata nya.




"Oh my gosh! Don't tell me may iba ka n---"




"What?! Wala! Hindi ko yun magagawa noh?! You're so OA na talaga as in OA to the nth power! Kaya hindi ako makakapunta mamaya kasi... Ide-date ko si Jaki at aaminin ko na sa kanya yung nararamdaman ko." pagputol ko kay Anne.




Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now