Chapter 42 (Kuya Boy Meets Daddy Florencio)

317 15 2
                                    

Jaki's POV



Mga ilang minuto nalang ay matatapos na ang commercial break at mag-istart na ang Miss Q and A. Medyo kinakabahan nga ako kanina nung opening prod. Kasi... ANDITO ANG DADDY KO! Yun talaga yung dapat na sasabihin ko kay Vice kanina, kaya lang naisip kong mas maganda kung masurprise nalang sya. HAHAHA! Gusto ko makita ang reaction ng mukha nya pag nagkaharap sila ni Daddy ng biglaan.

Kailan ko nalamang nakauwi na si Daddy? Well, kanina lang! Sinurprise nila ako kanina nung nagrerehears kami. Halos maluha ako kanina kasi miss na miss ko si Daddy. Ilang beses lang kami kung magkita sa isang taon. Gusto daw ni Daddy makita si Vice. Kaya nagawa pa nyang manuod dito. Nahihiya nga ako kasi makikita nya kaming maglambingan! Jusko po! Anlandi pa man din nito ni Viceral... HAHA! Chosss lang.



"Jaki, upo ka na dun, mag-istart na ang Miss Q and A." sabi ni Kuya Dambo.



Tumango nalang ako at pumunta na sa palagi kong pwesto. Napatingin ako sa kinaroroonan nila Daddy at kumaway silang lahat sa akin. Hindi lang kasi si Daddy ang dumating, pati na rin ang mga Kuya ko. Dapat kasing uuwi din sila para makompleto naman kami kahit minsan lang.

Ilang sandali pa'y nagsimula na ang next segment namin. Pagpasok nila Vice ay napanganga nalang ako ng makita sya samantalang ang mga madla naman ay parang mga baliw dahil sa lakas ng sigawan nila.

Seryoso ka Vice?






Vice' POV



"Viceral! Kalma lang! Ano ba?!" pagpapakalma sa akin ni Vhong.



Halos himatayin na ako kanina matapos sabihin ni Jhong na nandito ang Daddy ni Jaki. Ba't hindi sinabi sa akin ni Jaki?! Ughhhh! Ito siguro yung sasabihin nya sana. Mukhang tama nga sya, hindi nga talaga ako makakapagfocus pag nalaman kong andito ang Daddy nya.



"Kaasar naman kasi si Jaki eh! Ba't di nya sinabi sa aking andito pala ang Daddy nya... Eh di sana nakapagready pa ako." sabi ko habang nagdadabog.



"Hahaha! Naisahan ka ni Jaki noh!" natatawang sabi ni K.



Magsasalita na sana ako ng may lumapit sa aming staff.



"Ate Anne, Ate V--- Kuya Vice pala! Ready na po. Last 10 seconds." natatawang sabi nito sa amin.



Aba! Mag-aate ka rin ah! Nagready na kami ni Anne at natapos na ang Commercial break.



"Okay! Lalabas na kayo in... 3, 2, 1!" sabi ng isang staff sa amin at bumukas na ang labasan namin.



(Haha! Sorry di ko po alam Yung tawag dun...😂 Basta Ang Alam ko dun sila nalabas!🤣✌️ Pakitama nalang po ako sa comment section. Sensya na..)



Pagpasok na pagpasok namin ay sobrang lakas ng sigawan ng mga madla. Alam kong nagulat din sila sa suot ko ngayon. Napatingin agad ako sa dako ni Jaki na nakatulala sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso na ang tingin ko sa madla.



"WATZUP MADLANG PIPOL!!" malakas na sigaw namin ni Anne.



Lalong lumakas ang sigawan nila lalo na sa bandang taas ng studio. Sobra-sobra ang pagiging hype nila.



"Gusto ko lang sabihin sa aking katabi ang isang kasabihang... Huli man at magaling... Huli pa rin! I am Anne?" Putol nyang sabi.



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now