Chapter 39 (Officially Yours)

344 24 3
                                    

Jaki's POV


Kung gusto mo pang mabuhay ang taong minamahal mo, pumunta ka dito sa rooftop ng network nyo. Siguraduhin mong hindi ka magsasama ng kahit sino mang ikapapahamak ng buhay nito at buhay mo. Ayaw kong pinaghihintay ako... Kaya dapat lang na bilisan mo. I'll give you 30 minutes, at pag hindi ka pa dumating... You will never see him again.

Paulit-ulit itong tumatakbo sa utak ko habang papunta ako sa ABS-CBN Building. Hindi ko maintindihan kung bakit ba nangyayari sa amin ito. Sino yung taong yon? Sya ba yung nasa panaginip ko?

Pagkarating ko sa building, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ang laki ng pagtataka ko ng mapansing napakatahimik ng paligid. Sa aking pagkakaalam ay maraming tao dito ng ganitong oras dahil sa dami ng mga shows na ipinapalabas. Walang guard na nakabantay sa Entrance, walang mga taong naglalakad sa hallway, walang mga staff na nagkakandarapa sa kanilang trabaho. Dali-dali akong sumakay sa elevator.

Lord please, wag nyo pong hayaang may mangyaring masama kay Vice. Tulungan nyo po ako, palakasin nyo po ang loob ko.

Pagkarating ko sa pinakataas na palapag ay agad akong tumakbo papuntang rooftop, ngunit nakakailang hakbang palang ako ng may marinig akong ingay sa isang kwarto. Dahan-dahan kong binukasan ang kwartong yon, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung anong meron dito.


"Jusko! Anong nangyari sa inyo?!" gulat kong tanong.


Andito ang mga staff ng building na 'to. Pati yung dalawang security guard na dapat ay nasa labas. Nakagapos silang lahat at may tape ang mga bunganga nila para hindi ito makagawa ng ingay. Sobra-sobra na ang takot ko ngayon.

Kinalagan ko ang isa sa kanila at saka ito nakapagsalita.


"Miss Jaki, pabayaan mo na kami dito. Pumunta ka na sa taas, bago pa mahuli ang lahat. Bilisan mo ako ng bahala dito. Bilis po!" sunod-sunod na sabi nito sa akin.


Agad naman akong lumabas ng kwartong yon, tumakbo na ulit ako papunta sa rooftop. Nang marating ko na ang pinto ng rooftop ay napatigil muna ako.


"Kaya mo 'to Jaki..." sabi ko sa sarili ko.


Kailangan kong magpakatatag para sa kaligtasan ng mahal ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang taong nakatalikod at nakasuot ito ng itim na jacket na may hood.

Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang unti-unti akong lumalapit sa kanya.


"N-nasan si V-vice?!" nauutal ngunit malakas kong tanong sa kanya.


Ramdam ko ang pagbuntong hininga nya. Medyo madilim ang paligid kaya hindi ko masyadong maaninag ang nakapaligid sa amin. Patuloy pa ring hinahanap ng mata ko si Vice, ngunit hindi ko sya makita.

Dahan-dahan itong humarap sa akin pero hindi ko makita ang mukha nya dahil natatabunan ito ng hood nya.

"Andito na a-ako, nasan na si Vice? Ilabas mo sya! Sino ka ba? Anong kailangan mo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.


Hinihintay ko itong magsalita pero mukhang walang balak itong magsalita.


"Magsalita ka! Asan sya?! Ilabas mo na sya bago pa kita mapatay!" malakas at matapang ko pang sabi sa kanya.


Ang totoo natatakot na talaga ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ng demonyong 'to. Ang gusto ko lang eh ang makita si Vice na maayos. Ngunit sa tingin ko ay hindi ko na sya makikita pa. Mukhang nagalit ko ata ang kaharap ko ngayon.

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now