"Cool! Paano naman malalaman kung sino ang mananalo sa game?"

"Kung sino pinakamatagal mahanap ng kids sa team po na King or Queen, siya mananalo!"

"Nice! What's our yell for this game, kids?!" the jokers asked before pointing their microphones to us again.

"L-I-G-O, HINDI KA PA NALILIGO! SARDINES!" sigawan na naman ang mga bata tapos tuwang-tuwa. Nagpalakpakan pa sila.

Biglang nagbago ang ilaw sa loob ng dining hall. The lights started blinking in red colors. The creepy music box playing in the background filled the hall much louder. Everyone in the room, even the kids, started wearing creepy masks.

Bakit pati bata pinagsuot nila ng ganyang maskara?! Puro madugo, tinahi ang labi, binutas ang mata, at puro DEATH ang nakasulat sa mask. They are just kids!

Tiningnan nila kaming apat na tila tinatanong kung sino gustong mauna.

"Now... sino sa apat ang gustong mauna?" pabulong na tanong ng isang joker sa microphone saka tumawa.

"Sino gusto mauna?" ulit ng isang joker.

Biglang may ilaw na tumapat sa'kin. Napakapit ako nang mahigpit sa aking damit sa ilalim ng mesa sa kaba.

"Gusto mo ba mauna?"

Napalingon ako sa tatlo. Nakatingin lang sila sa 'kin.

"A-Ayoko." sagot ko sa joker.

Biglang natahimik lahat. Napalunok ako.

Ayoko. Ayokong mauna.

"Ayoko." ginaya ng isang joker ang sagot ko saka natawa.

"Pfft!" tawa nang tawa ang isang joker. Natawa rin ang mga bata kahit hindi nila alam kung mayroon ba talagang nakakatawa. Binalot ng tawanan ang hall. Kaming apat lang yata ang hindi natutuwa.

I suddenly feel bad again...

Should I go first?

"Ayaw niya mauna. Edi ihuli!" natatawang sabi ng joker.

"Ikaw? Gusto mo ba mauna?" ang ilaw na nasa akin ay nalipat kay Java. Agad siyang nilingon ni Alpha at Gunner. Parang nag-uusap na naman ang mata ni Gunner at Java kung papayag ba siya o hindi.

"I'm not just a King, I can also be your knight. Play the game. My Queen, I can defend you. We got your back." udyok ng king sa grupo nila kay Java.

"Gusto mo ba mauna?" ulit ng isang joker sa kanya.

"Siya ang mauuna." sabi ng king sa clubs.

"Epal." asar na sabi ni Gunner.

Lumalapit ang jokers sa pwesto ni Java. "Queen of Clubs needs to make a decision. Are you willing to be the first one for this game?"

"I will but... please, don't kill the kids."

Huh?

"Ooops." biglang may binulong ang joker na nakalapit kay Java. Si Java naman ay napatingala at biglang namutla. Napakagat siya ng labi at tumango na lamang. Napatingin sina Gunner at Alpha.

Anong sinabi ng joker?

Java mentioned about killing kids...

"Akala ko ba walang masasaktan sa larong 'to?" tanong ko kaagad sa mga kagrupo ko. Natawa lang ang king. Papatayin nila ang bata?!

Pinatayo na ng jokers si Java. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa dalhin siya sa harap ng dalawa. She owns the spotlight now. Habang nasa harap at gitna na siya ay napadaan sa 'min ang mata niya.

"This is the map, Queen. I will let you read--- I mean, memorize it for 30 seconds. You will only see the map once." sabi ng joker saka may inabot na malaking papel kay Java. Sa likod ng papel makikita ang logo ng cards.

Pagkaabot ng joker kay Java ng papel ay nagsimulang magbilang ang ibang bata.

Kinakabahan ako!

Bakit may madadamay na bata?!

Pagkatapos ng 30 seconds ay halata ang kaba sa mukha ni Java. "Are you excited?!" tanong ng jokers sa kanya. Hindi siya makasagot. Kinuha na ang papel mula sa kanya.

"She said she's ready! Woooh!" sigaw ng jokers. Nauto na naman ang mga bata at nagcheer din. Kids from spades did their sign again out of nowhere. Gunner kasi eh! Pinagsasaway ito muli ng mga kagrupo ni Gunner.

"Alright. Get up. Get up. We will start the game! Since Queen of Club will be the first player, kids from clubs and spades will stay in one room later. Only the kids from diamonds and heart will play for the meantime. Clubs and spades, manonood muna kayo ng movie sa room, okay?"

"Okay po!"

"Queen of Clubs, we will give you and your team five minutes to finalize your plan. The other team can do the same."

After sabihin 'yon ng joker ay biglang tumayo si Alpha. Akala ko dito siya pupunta pero nagulat ako nang sila Gunner at Java pa rin ang pinuntahan niya.

"Oh..." I whispered.

Hindi ako makakurap.

Paano naman ako, Alpha?

"Your partner is obviously not gonna help you. What's your plan? Cry like a baby again?" the king asked while playing a sharp knife.

Sinamaan ko siya ng tingin. He's not helping!

"Alpha will help me. Lagi niya 'ko tinutulungan." asar kong sabi sa kanya. Kanina ko pa napapansin na pinapasama niya ang loob ko.

"Well, that was the problem...." he shrugged his shoulders like he knows everything more than us.

Tsk.

Hindi ako makasagot. Uminom na lang ako ng tubig. I hate what he is saying but he is right. Walang balak tumulong si Alpha sa'kin. Ni hindi ko alam kung paano ako magtatago mamaya.

Ayokong matalo kami.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumapit siya sa grupo namin kaya nabuhayan ako ng loob. I knew it! Hindi nagbago si Alpha!

"Alpha..." masaya kong tawag.

"Hey," he greeted.

"Sinabi ba nila sa'yo kung saan sila magtatago?" tanong ng Jack sa grupo namin.

"Their king is a beast. He's cunning and full of wit. Mahirap siya kalaban." sabi naman ng Ace. Ang king naman sa team namin ay tahimik lang at inaabangan kung may sasabihin si Alpha.

"Saan sila magtatago?" ulit ng Jack.

Alpha smiled.

"They are my friends and I will not let you find them." sabi ni Alpha saka bumaling sa'kin. I can no longer read his eyes when he said the next words.

"I will make them win."

TO BE CONTINUED.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now