Dollhouse 058

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bilis." pangungulit ni Gunner pagkatapos samaan ng tingin ang kagrupo ni Java.

"The King of Spades paid a visit. What a surprise," the club's king commented while raising his brow.

"Hindi kita kausap." pambabara ni Gunner.

"Oooooh~" sabi ng mga bata sa clubs pagkarinig sa sagot ni Gunner.

Alertong napalingon ang mga nasa spades at baka kung ano na naman ang matutunan ng bata dahil kay Gunner!

Natawa lang ang Jack at Ace ng grupo ni Java. Napangisi naman ang king dahil sa sagot ni Gunner sa kanya. "Alam mo, gusto ko ipasipa ulit alaga mo kay---"

"Don't say her name." agad na pagpigil ng Jack nila.

Napabuga ng hangin ang king na kapareha ni Java. Lagi na lang siyang binabawalan magsabi ng pangalan! Nalilito siya kasi madaming ace, jack, queen, at king. Kilala naman niya lahat maliban sa grupo ng Doll02. Hindi niya gusto ang mga nasa grupong 'yon. Gusto niya ibunyag ang mga pangalan ng lahat para mas madaling sabihin, kaso ayaw lagi ng kagrupo niya.

Si Gunner naman ay walang paki sa mga taong nasa paligid niya at wala siyang balak kilalanin. May nalaman siyang hindi niya nagustuhan. Nasabihan na niya si Alpha tungkol dito. Kailangan na niya kausapin si Java ngayon.

"Java, bilis."

Tumayo na lang si Java at sumunod kay Gunner.

"They were right. He's really reckless." komento ng jack sa clubs habang pinapanood umalis ang dalawa.

"Baka mo hinayaan umalis? Baka mapahamak ang mga bata." inis na sabi ng ace sa king.

"Tss. Magpapatayan din naman mamaya. Bahala sila. Malalaki na sila. Pinagsabihan na natin, ayaw sumunod. They always do it their way. Tapos magsisisihan sila pagkatapos." seryosong sabi niya saka uminom ng wine at kinulit ang mga bata.

Meanwhile . . .
 
 
"Baka may masaktan na bata mamaya." bungad ni Gunner kay Java pagkatapos nilang lumayo nang onti. "Java, baka may mamatay."

"Ano?!"

"Tsk. Huwag ka sumigaw."

Napansin nilang nakatingin ang jokers pero itinuloy nila ang usap. Nahuli ni Java na nginitian siya ng isa sa mga 'to. Ginaya ng joker ang isang joker kaya parehas na itong nakangiti sa kanya nang walang dahilan. 'Weird,' isip-isip niya.

"Paanong hindi sisigaw kung ganyan sinasabi mo?" inis na sabi ni Java nang ibalik ang tingin kay Gunner. "Bakit madadamay ang bata? Akala ko ba decagon lang ang pinaparusahan dito?"

"Alam ko. Gago nga eh. Paano ko ba ipapaliwanang? Tsk. Okay. Ganito raw kasi ang laro... kunyari, ikaw ang taya. Edi magtatago ka. Di ba magkakampi tayo? Kami ng grupo ko, ako, 'yong queen, jack, at ace, kami tutulong sa 'yo na magtago. 'Yong mga kagrupo nating bata, wala sila gagawin muna. Tutunganga lang. Ang maghahanap lang sa'yo ay ang mga bata sa grupo nina Alpha at Babe."

Naguguluhan lalo si Java. Salubong ang kanyang kilay. Mas lalo siyang nalilito kay Gunner. "Paano madadamay ang mga bata?"

Napasabunot si Gunner ng sariling buhok at pilit inalala ang sinabi ng queen sa grupo niya.

"Tsk. Kunyari nagtago ka na, ang hahanap sa'yo ay 'yong mga bata sa kalabang grupo. Siguro naman gets mo na 'yong sardinas part na sinasabi sa game? Hindi ka pwedeng umalis ng pagtataguan. Kung saan ka nakatago, doon ka lang."

Tumango si Java.

"Kapag nahuli ka ng bata mula sa team nila Alpha at Babe, sabay-sabay kayong magtatago at magsisiksikan sa pinagtataguan mo hanggang sa mahanap ka ng lahat ng bata mula sa kalabang grupo. Bale magsisiksikan kayo na parang sardinas hanggang sa mahanap ka ng 18 na bata. Siyam mula sa diamonds, siyam mula sa hearts. Kung bata ni Alpha huling makahanap sa'yo, sila Alpha sunod na maglalaro."

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon