── ♡├o BABE



Tunog ng kobyertos at bulungan ang unang narinig ko pagkabukas ko ng aking mata. Agad akong napabangon at napalingon sa paligid. Ibang lugar na naman. Nasaan sila?

Napalunok ako nang makita ko ang itsura ng lugar. Nakahiga ako ngayon sa isang pulang higaan, mala prinsesa ang kwartong kinaroroonan ko. Puro carpet, silver na kagamitan, dambuhalang salamin, pabango, magagarbong unan at naglalakihang painting ang nakikita sa loob. May malaki rin akong litrato na nakasabit sa frame.

Ngayon naman ay napatingin ako sa soot kong dress. Makapal ito gaya ng dati. Mukha na namang pangmanika. Kung dati ay puro pastel, ngayon naman ay tanging puti at pula ang makikitang kulay. May isang logo na paulit-ulit makikita sa damit ko. Hugis puso. Kulay pula.

Pagkabangon ko ay sinundan ko ang tunog ng kobyertos na tumatama sa plato at ang mahihinang bulungan na narinig ko kanina.

Lumabas ako ng kwarto.

Himala. May pinto?

Pagkalabas ko ay bumati sa'kin ang magarbong pasilyo. What the hell. Para akong nasa palasyo. Puro kulay pula at kulay ginto ang nasa paligid. Nakacarpet ang buong hallway at puro chandeliers na naman sa taas.

Nasa Dollhouse pa rin ba kami?

Napalingon ako sa likod nang marinig ko na naman ang bulungan at tunog ng kobyertos. Bumungad sa mata ko ang dalawang bata na may tinutulak na metal cart. Napatigil sila ng bulungan nang makita ako. Napaatras ako nang bigla silang yumuko sa'kin!

"Good morning, Queen."

What?

"The three royalties are inside that room."

Three... what?

May tinuturo silang kwarto. Tiningnan ko lang sila saka dumiretso sa kwarto na tinutukoy nila. Tila ginto ang pinto ng kwartong 'to. Gaano kayaman si Peter? May sinabi ang dalawang bata pero hindi ko sila pinansin. Pwersahan ko binuksan ang pinto.

Bumungad sa'kin ang mamahaling kwarto.

Sa pulang kama na kasing laki ng akin kanina nakita ko ang tatlong pamilyar na mukha. Nakasampa sila sa kama at seryosong nag-uusap. Magagarbo rin ang mga damit nila gaya ng akin. Lahat kami ay may soot na korona sa hindi malamang dahilan.

Sila Gunner at Java na tila may binubulong kay Alpha ay agad na napalayo nang marinig nilang bumukas ang pinto. Umayos silang dalawa ng upo.

Napatahimik sila at napalingon sa'kin.

Anong meron?

Bakit parang abala sila?

Magtatanong na sana ako nang makita ko ang hindi inaasahan. Tila naputulan ako ng hangin sa nakita ko.

"Alpha..." tawag ko.

Nagkatinginan bigla si Java at Gunner nang marinig ang tawag ko, sabay nila kong tiningnan pagkatapos no'n. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng titig nila.

Pero hindi ko na 'yon pinansin.

What happened?

Alpha...

His eyes...

Napatuon ang atensyon ko kay Alpha na nakatingin sa'kin ngayon.

The metal attached to his is gone. His eyes are now staring at me with the same intensity Gunner and Java just gave to me.

"Babe..." he replied.

Agad akong lumapit sa kanila!

Napansin kong hinila ni Gunner palayo si Java sa braso nang mapalapit ako. 'Yong mata ni Gunner ay kinakausap na naman si Alpha. Si Java ay tahimik akong pinapanood habang nakaharang si Gunner sa kanya at katabi niya si Alpha.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now