Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito.

"What is the meaning of this?" Malamig ang boses niya pero mukhang galit ang ekspresyon.

"Your Grace." agad na napabitaw sa akin yung maid at nakayukong umantras.

Parang takot siya sa lalaking ito dahil bigla siyang nanahimik. He has a light brown slick hair and a red pair of eyes. Saka tuxedo yata tawag sa suot niya na akala mo galing sa isang event. Iba kasi ang design. Wait... What red eyes? Aba nag-contact lens pa.

Sa likod niya ay may kasama siyang lalaki na mahaba ang itim na buhok. Nakatali itong sa likuran tapos nakasuot siya ng salamin na kulay ginto. Naka gloves pa ng puti at may dalang parang log book. Tulad ng may katabi nito ay iba rin ang suot niya.

"Who are you guys?" Naguguluhan ako. Sino ba ang mga gagong ito na walang paalam na pumasok sa kwarto ko?

Pero sandali... Hindi ito ang kwarto ko dahil masyado itong malaki! Napakaplain din at masyadong makaluma yung style. Nasa shoot ba ako?

"Okay, I get it now..." Natawa ako ng peke. "...Nasa shooting tayo hindi ba? Okay, you got me! Lumabas na kayo cause I'm so pissed RIGHT NOW! It's not even funny!" Tumaas ang boses ko dahil sa galit.

Kakagising ko lang tapos ito ang bubungad sa akin? Na-stress nga ako kahapon sa lintang iyon tapos dinagdagan pa ng mga ito? Kung isasali nila ako sa shoot sana nag-inform sila! This is against the human rights! They didn't even ask my permission for this bullshit.

Pero mabilis ang pangyayari dahil hindi ko akalaing makatatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa lalaking light brown ang buhok.

Napabaling sa kanan ang ulo ko. Rinig na rinig pa sa kwarto ang paglapat ng palad niya sa aking pisngi. Nahilo ako roon kaya hindi ko napigilang titigan siya.

I glared at him while trembling with anger. "My parents never dared to lay their hands on me! Napakakapal naman ng mukha mong sampalin ako? Who the hell gave you rights? Humanda ka dahil ipadedemanda ki—"

Then again another slap on my right cheek. Ngayon sure akong nangangamatis na ang pisngi ko dahil magkabilaan niya akong sinampal.

"I don't know what got into your head but you have no respect. Are you even a noble with that kind of attitude? You shameful brat! Sana hindi na kita binuhay pa!" With his furious expression, he left. Isinara naman nu'ng kasama niya yung pinto.

Habang ako naman ay nakahawak pa rin sa pisngi ko dahil sa shock. I can't accept na sinampal ako ng taong hindi ko naman kilala! How dare he?! Kung shooting man ito humanda siya at gagantihan ko siya kahit mas matanda siya sa akin!

"Young Lady, the duke is just worried about you kaya niya po nagawa iyon. Sigurado po akong masaya siya dahil nagising na kayo."

Napalingon ako sa kaniya. "Sure ka? Masaya siya? Please, leave me alone at sabihin mo sa director na ayoko na. I don't want to participate in this shooting! Nakaka-stress kayo." Napahawak ako sa sintido ko.

Mukhang nagulat siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. She looked worried or shocked? I don't know.

"I don't understand what you are saying, Young Lady,"

"Don't fool me, okay? Huwag kang magmaang mangan diyan," Inirapan ko siya.

"I don't dare, Young Lady."

"Bakit ka ba Young Lady ng Young Lady, ha? Hindi ako lady bug, noh. My name is Kathlin not lady!" Sinigawan ko na siya. Ang kulit, e. Naiirita na ako.

Napasinghap ang babae at napatakip ng bibig. Napakunot noo ako sa reaksyon niya. Napaluha na rin ang bruha. Wow, best acting talaga ang gaga.

"D-Do you perhaps know this servant's name?"

Napabuntong hininga ako. "Here we go again. Honestly, hindi kita kilala kaya ako nagagalit. Cut that act will you? At yung lalaki kanina sino 'yun? Ang kapal ng mukha niyang sampalin ako. Go find him and bring him here right now."

I don't care kung nagshoshoot sila. I want to slap him hard. Ang sakit kaya ng sampal niya. Napahimas ako sa magkabila kong pisngi dahil masakit pa rin ito. Naalog yata utak ko.

"Young Lady, I'm really sorry! Please forgive me!" Nagtaka ako nang biglang lumuhod itong maid. Ano na namang drama nito?

"It's my fault, Young Lady. Please, punish me!" Ngayon parang sinasamba na niya ako dahil literal na idinikit niya ang kaniyang noo sa sahig.

What the...

"Hoy! What are you doing? At bakit naman kita parurusahan? You're being so dramatic." I cringed. She kneeled as if I'm a God at parang sa akin pa nakadepende ang buhay niya.

"No, I mean it! Kasalanan ko po dahil hindi ko kayo nabantayan. Kung alam ko lang na mangyayari iyon ay napigilan ko sana kayo sa balak niyo,"

"Ano bang pinagsasabi mo riyan? Hindi kita maintindihan and please stand up. Kinikilabutan ako sa'yo,"

"Y-Young Lady, nakalimutan niyo na po ba? You killed yourself," umayos siya at tumingin sa akin. "Hindi niyo po ba naaalala?"

My eyes grew wide. "I did what?" Is she insane?

"I'm not lying, Young Lady. You did it on purpose."

Napatayo ako para sana umalis pero natumba lang ako kaya tinulungan niya akong makaupo ulit sa gilid ng higaan. Napatitig ako sa paa ko.

"Why... Bakit hindi ako makatayo?! W-What happened to me?" I felt useless. I know nasa shooting ako but I can't walk! May ginawa ba sila sa akin?

"It's because.... You were asleep for 2 years, Young Lady. Patay ka na noong maabutan ka namin in your chamber so the duke ordered—"

"Duke?"

"Yes, Duke Francho Silveria, your own father. Iyong lalaking nagpunta po rito kanina."

Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang inutusang kumuha ng salamin to check if I'm not loosing my mind.

"Oh my god! This can't be happening!"

Nang makita ko ang sarili ko ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nawalan ako ng malay.


Reincarnated as a Shameful NobleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant