Chapter 23: Success?

2.2K 144 20
                                    

Efimia Silveria

Once I opened my eyes... Isang kulay asul na nilalang ang nakalutang sa tabi ko. Her body is somewhat transparent and her dark blue hair is floating as if the gravity were not affecting it. What's more is that her skin color is blue, she had all white eyes, pointed ears and she's wearing nothing! As in! May boobs nga siya pero wala itong ituktok lalong lalo na wala rin siyang pempem! Makinis ang parteng iyon kaya napaisip ako kung paano ba siya umiihi. Is she gender less?

"Gusto mo bang hindi kita pagbigyan sa hiling mo, mortal? I don't like the way you stare at me." Humalikipkip siya at masama akong tiningnan kaya umupo ako at tinaasan ko siya ng kilay. Aba, hindi ako magpapatalo.

"So what? Masama ka bang titigan? Saka sino kaba?" Naramdaman ko na lang na lumakas ang hangin kaya napapikit ako nang tumama sa mukha ang mga nalaglag na dahon mula kay Horus.

"Insolent! Can't you recognize me? Kung alam ko lang na ganiyan ka makitungo ay hindi ko na lang sana dininig ang pag-summon mo!"

Napatigil ako. Summon? Oh no... Is she Aria? Did I succeed summoning her? Pero paano? Bigla kong naalala ang panaginip ko. OMG! It's real! Bigla akong pinagpawisan nang malamig. What if tinanggal ko ang seal? Anong mangyayari sa akin? Konting mana lang ang ipinasa niya sa akin pero halos ikamatay ko na. What if kung lahat ay ipinasa niya? I'll die literally!

"Child... You have to apologize to the Spirit of the wind. Baka hindi mo na siya mai-summon ulit." Oh, Horus is right. Napatingin ako ulit kay Aria na nakacross arms pa rin habang nakatingin sa akin. Surprisingly ay hindi siya umalis at naghintay lang sa sasabihin ko.

"Uhm... Sorry, Ar—"

"O' Great Aria," Pagtatama niya kaya lihim na lang akong napairap. Ang choosy pa niya, ha!

"Okay... O' Great Aria, I'm sorry. Hindi po kasi kita nakilala." Kumunot ang noo niya at lumapit sa mukha ko. Napalunok na lang ako kasi medyo natakot sa mga mata niya.

"You summoned me from the spirit world. How come you don't know me? Ikaw ba talaga ang nagpatawag sa akin o gumamit ka ng ipinagbabawal na mahika?" Awtomatiko akong umiling. How can I!

"No! Why would I use the forbidden magic? Saka hindi ko knows iyon paano gamitin, noh!" Yep, those kind of magic exist in this world. According to the crown prince, ipinagbabawal itong gamitin dahil masyado itong delikado para sa user at mga tao. Kapag nahuli kang gumagamit nito ay kamatayan ang magiging kapalit kaya walang nagtatangkang gumagamit ng ganoon uri ng mahika.

Napabuntong hininga siya at kinamot niya ang kaniyang kilay. In fairness... Maganda ang kilay niya kasi pantay-pantay ito.

"If that's the case, why did you summoned me? How would I serve you, little aristocrat?"

Muntik na ako mapangiwi sa sinabi niya. I'm no longer an aristocrat. They hated me for the reason that I'm useless and a big shame on our family's name. Tsk, sampalin ko ang duke na yun, eh! Bakit niya pa tinuhog si Emilia kung iaabandona niya rin ang kanilang bunga sa huli? Wala akong masyadong background sa Silveria Family kasi hindi naman nag-focus ang story sa kanila. They're the villain in the manhwa at umiikot lang ang storya sa mga masamang gawain nila and there's no additional background from them.

Saka of all the people bakit ako pa ang ipinasok sa katawan ni Efimia? Geez! Nakakainis lang kasi ang dami daming kaluluwa tapos ako pa ang nabunot! Hindi lang naman ako ang nagbabasa ng manhwa na iyon, eh.

"Sa... Totoo lang ay hindi ko alam." It's true! Wala talaga akong alam.

"You don't know? Ginagalit mo ba ako bata?!" Nangunot ang noo niya at lumakas na naman ang hangin. "Hindi mo ba alam na mahalaga ang ginagawa ko sa aming mundo tapos iyon lang ang isasagot mo sa akin? Do you want me to kill you?!" Awkward akong ngumiti sa kaniya.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon