Ichiro tried his best. Gunner feels so hopeless and tired. She was the one who's keeping him sane and now he lost her too. Ichiro tried to pull the glass again from him. Si Gunner naman ay bumitaw na lang at nanatiling nakaupo at nakasandal sa isang shelf. May narinig siyang nabasag pero hindi na niya 'yon napansin.

He can't.

He can't look at her in that state.

He lost his childhood friend, Cara, because of an arson. He lost Claude, Echo, Dorothy, and Hera for four consecutive days too. Now, his closest friend, Flame, was added to his nightmares. All this time, Gunner is blaming himself for everything.

Gunner just wanted to celebrate his birthday...

It was supposed to be a special day for him but this shit happened.

Kung alam niya lang na mapupunta sila sa ganito sa kaarawan niya, sana hindi na lang niya inimbita ang mga kaibigan niya.

Kung alam niya lang...

Kung alam niya lang na....

He felt warm arms hugging him. He never felt so weak like this. Durog na durog na siya at hindi na niya kayang magpanggap pa. Napayuko na lang siya sa balikat ng babaeng nakayakap sa kanya. Binasa ng luha niya ang balikat ni Java. Si Java naman ay tahimik na naiyak din sa balikat ni Gunner.

"Java, bakit lagi na lang walang kwenta desisyon ko?" tanong niya.

Umiling ang kaibigan sa balikat niya.

"Gunner, wala kang kasalanan."

"Kasalanan ko... hindi mo 'ko maiintindihan... pero... kasalanan ko."

Umiling si Java.

Tahimik niyang hinagod ang likod nito.

"Hindi, Gunner. Hindi."

Si Ichiro naman ay natahimik. Nabasag niya ang glass na kinalalagyan ng pumanaw na kaibigan. He inspected it carefully and what he discovered broke his heart. Nanlamig siya nang malamang totoo ito. Bagsak ang luha ni Ichiro nang ilapag na lang niya ulit iyon sa cart. Nahuli niya ang mata ni Babe na pinapanood siya, umiwas siya ng tingin saka nagpunas ng luha.

"Flame, you don't deserve this..." galit niyang bulong saka itinakip muli ang itim na tela dito.

Alpha, on the other hand, already lost it. He lost five of his closest friends and he couldn't even help them. Ramdam niyang siya ang pinaka-walang kwenta sa lahat. He can no longer take what's happening. Kalahati na ang grupong mahal niya.

"Babe..." he called out of a sudden.

Lumingon sa kanya si Babe.

"Give me a gun."

Tila may dumaang anghel nang sabihin niya 'yon. Namutawi ang katahimikan. Napalingon ang apat sa kanya nang hindi niya nalalaman.

"No." sagot agad ni Babe.

Sila Java, Gunner, at Ichi ay alerto at agad na kinuha ang mga baril nila at inilayo kay Alpha.

"Please, give me a gun."

"Alpha, ano ba!" inis na saway ni Ichiro.

"Alam mo ba ang ginagawa mo?" tanong ni Gunner na wala nang buhay ang mata.

"Ilayo niyo lahat ng baril." bulong ni Java.

Tumayo si Alpha.

"Somebody please end me." pagmamakaawa na niya.

"Isipin mo muna sinasabi mo bago mo ulitin." asar na sabi ni Ichiro saka bumalik sa pag-aayos ng mapa. Natanggal na nila 'yon kanina at ngayon ay halos mabuo na niya 'to. He will take them out of this place.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now