Hindi ko na napigilang humiyaw sa sakit. Para akong sinisilaban sa parteng hawak niya. Hiyaw lang ako ng hiyaw hanggang sa nararamdaman ko na lang na parang nanghihina na ako.
Anong nangyayari?
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding sakit. Ngayon lang ako nakaharap ng nilalang na may ganitong kakayahan.
"F*ck... you! " muli na naman akong napahiyaw ng idiin nitong muli ang kamay niya. Sa tuwing ididiin niya ang kanyang pagkakahawak sa kamay ko ay ang siyang lalong pagtindi ng sensasyong binibigay niya.
Hindi ko na napigilang maluha sa nangyayari. Hindi ko na kaya ang sakit!
Ilang sandali ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa balikat ko pero naroon parin ang pakiramdam na para akong sinusunog sa parteng hawak niya. Kung hindi lang siya nakadagaan sa mga braso ko, ibabalibag ko 'to!
Lumalabo ang paningin ko. Nanlalambot ako. Nanghihina ako.
"Darys!" doon pa lang ako nakaramdam ng ginhawa nang bigla itong bumitaw sa pagkakahawak sa akin.
"Darys, ayos ka lang?"
Si Travis.
Inalalayan ako nitong bumangon. Ramdam ko parin ang matinding panghihina kahit na ilang minuto lang ang nangyari, hindi ako makatayo at ang parang napaso kong balikat ay kumikirot. Anong klaseng nilalang yon?
"A-ang balikat mo..." doon ko lang napansin ang balikat ko, ang itim kong damit ay namuti sa parteng hinawakan ng lalaki kanina at nagkaroon din ng mga butas. Tila ba nasunog na di ko mawari.
"Sire!" dumating ang dalawa sa mga kawal na hinihingal. Kasama sila sa mga humabol sa isang kalaban kanina.
"Darys!"
---
"How is he doing?" pagmulat ko ng mga mata ay kulay dugong kisame ang unang bumungad sakin. Mukhang nandito na kami sa bayan ng bestfriend ko.
May dalawang tao ang nakatayo sa kaliwang parte ng hinihigaan ko. Isang babae at isang pamilyar na lalaki. Mukhang nurse yung babae sa suot at tindig nito, may hawak pa itong papel na ewan.
Nang mapansin ng dalawa na gising na ako'y nag-bow ang babae bago umalis.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" inalalayan ako nitong bumangon pagkatapos ay kumuha ito ng prutas sa nasa tabi naming mesa at pinagbalataan ako.
"Ang sakit ng ulo ko. Ilang oras na ba akong tulog?" malinaw pa sa akin ang nangyari. Ang lintek na yon!
Mula sa suot kong puting longsleeve ay sinilip ko ang kanan at kaliwa kong balikat. May bakas ng pagkasunog. Totoo nga kung ganon na sinunog ako ng taong yon?
"A day and a half. "kaswal na sagot nito na kinagulat ko. Daig ko pa pala ang nasagasaan sa tagal kong nakatulog ah.
"We've failed to catch the one who did that to you. But we managed to identify their kind based on the one that we've killed." humingi ako ng tubig sa kanya bago ko kinuha ang prutas na inaabot niya.
So hindi nga nahuli ang gagong yon? May araw din sakin yon, hindi lang isang araw ang magiging tulog non kapag nakaharap ko siya ulit.
"They are elvens." napatingin ako sa kanya nang kumpirmahin niyang elvens nga ang mga nakaharap namin.
"Base sa suot ng napatay natin, walang duda na elven sila. Ang nakakagulat lang ay hindi sila mga itim na elven, mga puting elven ang mga nakalaban natin at maaaring sila din ang hinahabol namin noong nakaraang gabi sa Ward."
Nanindig bigla ang mga balahibo ko sa sinabi niya.
Paanong may puting elven na nakapasok sa teritoryo ng darkborns? At sa Ward pa?! Masyado na yung malayo para sa mga puting nilalang!
"'Wag kang mag-alala, napag-usapan na namin nina ama at ng konseho ang bagay na ito kahapon. Naipaalam ko na din kina tito at tita ang nagyari, sinabihan ko silang huwag na silang mag-alala at nasa maayos na kalagayan ka na."
May niluluto na kung ano ang puting nilalang na yon. Hindi kaya may parating na digmaan o kung ano?
"Pero huwag kang mag-alala, we can handle everything. Isa pa, isinama kita dito para magsaya, hindi para ma-stress." ngumiti ito ng pagkalaki-laki.
Nagkulitan pa kami ng ilang minuto nang may biglang pumasok sa kwarto. A lady in her late 30s, I guess. May malalam itong mga pulang mata, maputi at makinis na kutis. Matangkad din siya at may mahabang kulot na buhok na lumulugay malapit sa beywang nito. Nakasuot ito ng dress na may itim at pulang kulay.
She sweetly smiled to us.
"T-tita."
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 4
Start from the beginning
