I used my dark matter to hasten my speed and sights.
Habang tumatakbo ako ay nagpalabas ako ng dark matter sa kamay ko. I gathered some strength to turn the dark matter into a dagger-shaped weapon and threw it to the running target.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makita itong dumausdos sa lupa. Natamaan ko siya!
Dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa nakahandusay na katawan sa lupa. Nakasuot ito ng kulay abong balabal, ibang-iba sa balabal nung isa kanina na kulay itim.
Iniinda nito ang kanang balikat na mukhang natamaan ko kanina.
Nagpalabas akong muli ng dark matter sa magkabila kong kamay bilang paghahandan kung bigla niya akong atakehin.
"Sino kayo? Sinong nagpadala sa inyo at bakit niyo kami inatake?" marahan itong tumayo habang nakatalikod sa akin.
Sa tindig niya, mukhang lalaki ang isang ito. Matipuno ito at mas matangkad sa akin ng mas malayo.
"Tinatanong kita!" sinigawan ko ito ng wala akong makuhang responde sa kanya. Kinakabahan tuloy ako, siguradong nag-iisip ito ng gagawin kung paano siya makakaalis o kung paano niya ako mapapabagsak.
Ayoko mang aminin pero medyo nakakaramdam ako ng takot. Small grains of sweat started to build up on my face down to my neck. Idagdag mo pa ang katahimikan, nakakabinging katahimikan ng paligid na mas nakakadagdag sa kabang nararamdaman ko.
Ilang segundo ding walang umimik at gumalaw bago ito nagsalita.
"I was..." napataas ako ng kilay ng huminto ito sa sasabihin.
Unti-unti itong pumihit paharap sa akin. Balot ng hood mula sa suot niyang balabal ang ulo niya kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero sigurado akong nakikita niya ako.
"S-sino kayo?" I managed to ask him again.
I raised and clutched my right fist into the air and he groaned in pain. Muntik pa itong mapaluhod sa ginawa ko.
Sa pagtama ng dark matter ko sa kanya kanina ay may mga naiwang dark matters doon na kaya kong kontrolin para makaramdam siya ng matinding sakit sa parteng natamaan.
"Tinatanong kita!" I clutched my fist once again and this time, he cried even more in pain but there was no answer at all.
I guess I have no choice—!
Nag-liwanag ang dalawang kamay nito at mabilis akong hinablot pababa sa lupa! Sa sobrang bilis niya ay hindi ko nagawang makailag!
Shit!
Dinaganan ng dalawa niyang binti ang magkabila kong mga braso habang nakahawak sa mga balikat ko ang kanyang mga kamay.
Sunod-sunod na mura ang nasa isip. Papatayin niya ako!
"I didn't know you are this powerful." he spoke while not breaking his gaze. Alam kong malinaw niyang nakikita ang mukha ko, samantalang hindi ko makita ang sa kaniya dahil sa balabal niya at sa madilim na paligid. Pero yung kanina ko pang naamoy na halimuyak, naamoy ko na naman. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa amoy na yon. Sinusukluban ako ng kakaibang halimuyak.
"I didn't know incubus' are this powerful."
Kailangan kong makaisip kung paano siya matakasan bago niya ako mapatay.
Naramdaman ko na lang bigla ang pag-init ng mga kamay niyang nakahawak sa magkabilaan kong balikat. Lalo itong umiinit habang hinihigpitan niya ang hawak sa akin!
"Para patas tayo." diniin pa nito lalo ang pagkakahawak sa balikat ko na siyang dahilan para mas tumindi ang init galing sa kamay niya. Parang nagbabaga ang mga kamay niya!
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 4
Start from the beginning
