"Gawin mo na lang, ako ang bahala. Basta balutin mo ako ng usok." nataranta pa ako ng utusan ako nito. Nakaka-intimidate siya sa parteng yon.

But I guess I have no choice. Tignan ko na lang kung uubra ang plano niya.

"Okay, just a second." I focused the flow of my energies to my hands creating plenty of dark smokes.

Rumagasa ang itim na usok sa kamay ko, parang yelo ang mga kamay ko at bumubulwak ang usok. Gaya ng sabi ng lalaki ay pinagapang ko patungo sa kanya ang itim na mga usok. Slowly, the smokes covered his entire body.

As the dark matter covered his body he swiftly run towards the enemies. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng lalaking 'to at napaka kampante niyang lumabas sa pinagtataguan namin.

Habang minamasdan ko siya ay may napansin ako. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ako dahil baka napuwing lang ako o kung ano. Para kasing lumalabo siya sa paningin ko. Naglalaho siya!

Tinahak ni Travis ang direksyon na pinanggagalingan ng isa sa mga palaso but before he can even reach his target, another wave of arrows flew directly to him.

"Travis!" napasigaw ako kasama ng mga kawal ng paulanan siya ng palaso ng mga misteryosong nilalang. But we were surprised, the arrows passed through him! Para lang siyang hangin na nilampasan ng mga palaso diretso sa lupa.

How could this be? I never knew vampires has this kind of ability. Could it be because of my dark matter? Kaya ba niya--!

Natigil ako sa paggawa ng mga konklusyon sa isip ko ng humiyaw ang isa sa mga kalaban sa kumpol ng mga halamang ligaw at tumilapon malapit sa pinagtataguan naming mga puno. Hinagis siya ni Travis ng walang kahirap hirap.

Bumulagta ang walang malay na nilalang sa lupa. The unconscious foe, which I guess is dead, is wearing dark cloak. Nakadapa ito ng higa kaya hindi ko makita ang mukha niya, pero kita ko ang maputi nitong braso na hindi natatakpan ng baluti.

"Get him!" Travis yelled when one of the assassins ran towards our opposite direction. He's trying to escape!

Lumabas sa pinagtataguan ang mga kasama naming apat na mga sundalo at parang mga lobong hinabol ang tumakbong usa sa masukal na parte ng gubat.

I was about to follow the soldiers when Travis groaned. "Travis!" bumagsak ang lalaki sa lupa matapos tumilapon sa isang puno. I rushed to him but before I can even reach him, a couple of arrows flew to my direction!

I managed to avoid the attacks, thank goodness! May isa pa nga pala sa kanila!

I greeted my teeth.

"Darys, mag-ingat ka! May light magic ang mga palaso niya!" sigaw ni Travis na nasa likod na ng isang puno.

Sinuri ko ng mabuti ang itim na palaso ng kalaban malapit sa akin. Puting balahibo ang nasa dulo ng palaso at iniikutan ng pilak na dekorasyon ang katawan nito, bukod don ay wala na akong nakikitang espisyal o kakaiba sa palaso. Pero malinaw na hindi ito ang karaniwang palaso na ginagamit ng mga dark borns. Maaari kaya na mga puting elvens ang mga nilalang na ito?

Nang tumigil ang pagpapaulan ng palaso ng kalaban ay marahan akong sumilip sa likod ng punong kinalalagyan ko.

Tumakbo siya!

"Darys no!" hindi ko pinansin si Travis at mabilis na tinumbok ang direksyong tinakbo ng kalaban!

I know this is a reckless move, a suicide but I think I can manage myself.

Napakabilis niya! Sa bilis ng takbo niya ay mukhang sanay siya sa pagtakbo ng malayo, hindi man lang niya alintana ang dilim ng paligid at ang mga nakausling ugat ng puno na maaaring tumisod sa kanya. Ngayon malinaw na sa akin, mga elven sila. Ang hindi lang malinaw ay kung puti o itim na mga elven ang mga ito.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now