"Is it an ambush?" Travis asked one of the soldiers. Tumango naman ang huli.

"I fear, it is sort of, Sire." shet!

"Darys, wag kang lalayo sa tabi ko." tumango naman ako dito sabay paghigpit ng hawak ko sa espada.

Sino o ano kaya ang kalaban namin? Ang tapang naman niya para atakehin ang isang anak ng count.

"Ilag!" nabuwag kami sa aming formation nang may dalawang palaso ang lumipad sa direksyon namin. Natamaan ang isang sundalo sa leeg!

"Use your senses!" kita ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata nila. Their eyes all turned brighter. Natural abilities of vampires, thanks to it they'll able to see in this dark night.

"May tatlong nakapaligid sa atin, Sire!"

Tatlo?

Dumaan ang mga minuto na walang nagsasalita ni isa sa amin. Pinapakiramdaman lang ang susunod na palaso.

May lumabas na itim na usok sa kamay ko na unti-unting kumalat din sa aking katawan. Parang hamog na kulay itim.

Dark matter.

We incubus and succubus can materialize dark matters as a scanner at nights. Yun ang dahilan kung bakit nakakakita kami sa dilim, at kagaya naman ng ginawa nina Travis, kaya nilang makakita sa dilim ng walang kahirap hirap gamit ang natural na abilidad nila.

Nakita ko na sila! May isa sa itaas ng isang puno, may dalawa namang nakakubli sa mga bushes. Pare-pareho silang binabalot ng kanilang kasuotan.

Assassins?

"What do you want?!" ako na ang bumasag sa katahimikan. Hindi naman kumibo ang mga kasama ko.

May hula akong ang mga kalaban namin ay mga kasama ng hinahabol nila kagabi. Yon na ang pinakamalapit na konklusyon sa mga nilalang na ito. Pero ang tanong, anong kailangan nila at bakit wala silang takot umatake sa amin?

Muling nagpakawala ng mga palaso ang mga misteryosong nilalang sa amin. Nagawa kong makaiwas at ng mga kasama ko—! May bumagsak na naman!

"Bilis! Magtago tayo sa mga puno!" mablis akong kumaripas ng takbo patungo sa isang puno. Ganon din sina Travis.

Apat na lang ang natitira sa mga kawal kaya ngayon anim na lang kami.

"P-parang hindi tayo mga bampira sa nangyayari." narinig ko ang usapan ng dalawa sa mga kawal sa kabilang puno.

Tama sila. Kahit ako man, para akong hindi incubus sa nangyayari. Anong silbi ng pagiging dark borns namin at nagagawa kaming i-corner ng kung sino lang?

Nilipat ko ang tingin ko kay Travis na kalmado lang at kapansin-pansin ang matingkad na kulay ng mata niya. Ngayon niya ipakita kung anong naging resulta ng trainings niya. Siya lang ang maasahan namin ngayon dahil wala silang maasahan sa kagaya ko. Hindi naman ako naka-focus sa combat trainings kagaya nila kaya limitado lang ang kaya kong gawin. Idagdag mo pa na kakatapos ko lang maging ganap na incubus. Kung ikukumpara kay Travis na anak ng mga Earlin, malaki ang pagasa namin na manalo kahit siya lang ang lumaban basta may maayos siyang plano. Kung ang mga sundalong ito naman... hays.

"Darys, pwede bang humingi ng isang pabor?"

Ha? Sa nangyayaring ito humihingi pa siya ng pabor?

Binigyan ko ito ng nalilitong tingin. "Kailangan ko ng dark matter mo para itago ako."

Anong ibig niyang sabihin? Wala pa akong kakayahan sa ngayon para magkubli ng isang tao sa loob ng dark matter ko. Baguhan pa nga lang ako sa paggamit ng dark matter.

Breaking Boundaries Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang