Chapter 9 part 2

Começar do início
                                    

 

‘Don’t worry, aayusin ko bukas na bukas din ang ticket naming ni Venice but you’ll be alone here anak.”

 

“Mommy, kaya ko na. Nandiyan naman sina Emer and Toffer and I promise I’m gonna take care myself.” Alam na alam na ni Jesica ang susunod na sasabihin ng ina.

“Okay, basta sasabihin mo sa akin ang mga nangyayari sayo dito. Promise?”

“I promise po and I’ll call you every day but I’m worried for you mommy.” Malungkot na sabi ni Jesica.

Napakunot ang noo ni Lourdes sa anak. “Worried for me?” hindi siya makapaniwala.

 

“Kasi kapag umuwi kayo sa Pilipinas ni Venice sigurado akong may pagkakataon na magkikita kayo ni daddy.” Naawa si Jesica para sa ina. Hindi man ito nagsasalita ay alam niyang patuloy pa rin itong nasasaktan sa ginawa ng kanyang ama.

 

“Hwag mong isipin ang tungkol dun anak, hindi ko na kailangan ang daddy mo sa buhay ko sapat na kayong dalawa ni Venice sa akin. Kaya hwag kang magagalit kung lagi akong nakikialam sa mga desisyon mo hija.” Nagpapaunawang paliwanag ni Lourdes.

 

“Mommy, thank you for everything, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko.” Niyakap ni Jesica ang ina.

 

“Magpahinga ka na anak. Hwag ka ng mag-alala ako na ang bahala.” Hinalikan ni Lourdes ang anak.

Si Lucila naman ay hindi mapakali sa guest room. Gusto niyang matulungan ang kanyang ate sa mga problemang kinahaharap nito sa totoo lang ay matagal na niyang gusting makausap ang bayaw para ipamukha dito ang mga pagkakamaling nagawa.

“Alejandro is that you?” walang paligoy ligoy na tanong ni Lucila. Napagdesisyunan niyang tawagan ang asawa ng kapatid.

“Yes, who’s this?”

 

“This is Lucila and Im hope you still remember mo kahit kinalimutan mo na ang pamilya mo.” Agad na patutsada niya dito.

“Kahit kalian hindi ko nakalimutan  ang pamilya ko.” Depensang sagot niya sa hipag.

 

“Huh! Tell that to the marines. Alam mo ba ang kalagayan nila ngayon? Lalo na ang anak mo?” medyo malakas na ang boses ni Lucila. Nanggigil siya sa kanyang kausap at kung kaharap lamang niya ito ay baka nasampal na niya ito.

Parang naumid ang dila ni Alejandro, aminado naman siyang ilang taon din silang walang ugnayan ng anak. “A-anong nangyari kay Jesie?” kandautal na tanong niya kay Lucila.

Ngayon bigla kang nagkainteres na malaman ang tungkol sa anak mo, find it for yourself.” Mataray na turan ni Lucila.

 

“Lucila please, how’s my daughter?” nagmamakaawa na ang boses ni Alejandro.

“Why don’t you call her? Para malaman mo ang sitwasyon nila, ito lang ang masasabi ko na ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito si Jesica. Ikaw ang dapat sisisihin dito.” Paninisi ni Lucila. Hindi niya kayang pigilan ang sarili na sumbatan ang bayaw. Naiinis na ibinaba na lamang niya ang telepono.

Nang mapadaan si Jesica sa kwartong inookupa ng tiyahin ay narinig niyang mataas ang boses nito at mukhang galit sa sinumang kausap. Marahan siyang kumatok para alamin ang nangyayari sa tiyahin.

“Tita, this is Jesie.”

“Oh hija, why are you still awake?” niluwagan ni Lucila ang pagkakabukas ng pinto.

“Matutulog na po sana ako kaya lang narinig ko kayo na nagagalit sa kausap ninyo kaya…”

“Ang daddy mo ang kausap ko. Naiinis ako sa kanya dahil siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.” Nakaismid ito habang nagsasalita.

“Tita, did you tell him about Venice?” nabuhay na naman ang kaba sa dibdib ni Jesica.

“Don’t worry hija, wala akong sinabi pero I’m pretty sure that he’ll call you one of these days.”

 

Iniwanan na ni Jesica ang tiyahin ayaw na niyang makipagtalo dito tungkol sa pakikialam sa problema niya. Inisip na lamang niya na nag-aalala rin ito sa kanilang mag-ina.

_____________________

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments :D 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora