- nah. pinagmumukha lang siyang killer

- alpha is a killer and you can't change my mind.

- java + ichi killer ko hahahaha

- its obviously babe but okay (づ_-)

- i can sense its really alpha. he's... idk... too nice?!

- kapag mabait ka, sasabihin nila hindi ka totoo. kapag may ugali ka naman, sasabihin nila ang pangit ng ugali mo. ang hirap lumugar sa mundo. kahit anong ugali ipakita mo, may masasabi at masasabi sa'yo.

- then don't give a damn about what they say. you do you.

- true, sis. tayo mas nakakakilala sa sarili natin.

- ewan. basta killer si gunner.

- babeeeee

- java + ichi talaga end game na killers ಠ⌣ಠ

- aish. whatever floats ur boat, guys.

- grabe. sobrang psycho ni peter.... pero mas maganda ang psycho ng Red Velvet. Stream Psycho here: https://youtu.be/uR8Mrt1IpXg

- smO0th, sis. smooth.

- ayyyeeee ikr (☞ ●ヮ●) ☞
 

✦ ◉  •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

. . . . . . . . .

── ♡├o FLAME
  
 
Nakakabadtrip.

Pinapanood ko si Gunner na nasa unahan ngayon naming lahat na naglalakad. Hindi ko alam kung anong sinabi sa kanya ng mga 'to pero mukhang wala siya sa mood. Mukhang madaming sinabi sina Java, Alpha, at Ichiro kanina eh. Bakit ba kasi.... Tsk.

Kung siya ang nasa unahan, ako naman ang nasa dulo. Nasa harap ko si Ichiro. Sa harap naman ni Ichiro nakapwesto si Alpha para gitnang-gitna naming apat. Sa harap ni Alpha si Java tapos si Gunner nga ang nasa unahan. Ang pangit ng line up!

Flame - Ichiro - Alpha - Java - Gunner

Tss.

Nalipat ang tingin ko sa libro na na kay Java. Sinenyasan ako kanina ni Gunner na baka para sa clues or map daw 'yon para sa lugar na 'to. Plano ata nilang hanapin muna si Babe bago sagutan 'yon.

Nasaan na ba kasi si Babe?!

Habang nag-iikot kami sa punyetang library ay may nahagip ang mata ko na gumalaw sa kalayuan. Parang may naglalakad. Tumigil ako sa pagsunod sa kanila at itinutok agad ang baril ko sa direksyon na 'yon. I swear I someone walking.

May kumalabit sa'kin. Si Gunner.

He mouthed the word "Bakit?"

Nginuso ko 'yong nasa harap ko. "May nakita akong naglalakad na nakaitim." sagot ko, halos hindi na kumurap.

Itinaas din ni Gunner ang baril niya at itinutok sa direksyon na tinutukoy ko.

Tahimik ko siyang pinanood. It feels so weird. Nagflashback bigla sa isip ko ang paglalaro namin sa arcade. Napailing na lang ako. Tsk. I shouldn't remember unnecessary memories in a moment like this.

Humakbang din ako palapit at nagulat na lang ako nang tila may mabilis na bagay na dumaan sa bandang batok ko. Sobrang bilis pati buhok ko ay tila hinangin.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now