Naabutan ni Jesica na nakayapos ang anak sa tiyahin. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa tagpong nakita.

“Tita, kain na po tayo.” Anunsiyo niya dito. Nilapitan na rin niya ang kanyang anak at kinarga.

Habang kumakain ay pare-pareho silang nakikiramdam sa isa’t isa, walang gusting bumasag ng katahimikan.

 

“Jesie after this, mag-usap kayong mag tiya kami ng bahala ni Venice dito.” Hindi na nakatiis na sabi ni Lourdes.

“Ate, bakit hindi kayo kumuha ng katulong? Kaya mo namang magbayad, I can’t imagine na kayong dalawa ni Jesica ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay.” Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Lucila na napaka simple ng piniling pamumuhay ng kapatid dito sa America. Napakalayo nito sa nakagisnan nilang lifestyle.

 

“Kaya naman namin at hindi naman pala ganun kahirap ang mga trabaho sa bahay.” Nakangiting turan ni Lourdes sa kapatid.

 

“Pinapadalhan ba kayo ng shares ni Alejandro?” tukoy ni Lucila sa asawa ng kapatid. “Nabalitaan ko na nagpapakasaya ang babae niya ngayon sa pera ninyo.” Nanggigil na kwento nito habang kay Jesica nakatingin.

 

“Dumidiretso ang share namin sa personal account ni Jesie. Hindi naman ako papayag na hindi niya kami bibigyan. Pagbalik ko ng Pilipinas aayusin ko na ang mga properties namin at ililipat ko na sa pangalan ni Jesica ang lahat.” Masasalamin sa pananalita ni Lourdes may mga nabuo na siyang plano.

 

“Kumain na lang nga tayo, hwag na nating pag-usapan ang walang kwenta mong asawa ate.” Inis pa rin si Lucila.

Nang matapos na silang kumain ay niyaya ni Jesica ang tiyahin sa may terrace, pinag gawa niya rin ito ng paboritong tea.

“Dito ka sa tabi ko maupo Jesie.” Malumanay na sabi ni Lucila ng mapansin ang pagkailang ng pamangkin.

Agad naming tumalima si Jesica at naupo ito sa tabi ng tiyahin. “Tita, I’m sorry sa kahihiyan na ibinigay ko sa pamilya natin.” Nakayukong simula ni Jesica. Nang malaman niyang buntis siya ay alam na niyang darating ang ganitong pagkakataon na kokomprontahin siya ng mga kapatid ng ina. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil respetado ang pamilya nila.

“Who’s that bastard man? Bakit hindi niya pinanagutan ang ginawa niya sayo?” galit ang nararamdaman ni Lucila ngayon sa ama ni Venice.

 

“Tita,hindi ko po siya nakilala at hindi niya rin alam ang tungkol kay Venice.” Kagat ni Jesica ang ibabang labi. Alam niyang susugurin nito si Vincent oras na malaman nito ang katotohanan. Kaya hangga’t maaari ay hindi niya ipapaalam sa mga kamag-anak ang totoo, tama na silang mag-ina lamang ang nakakaalam.

Napatutop sa bibig si Lucila. “What do you mean? Na rape ka? Oh My God! Bakit hindi ninyo sinabi sa amin ito?” natatarantang sabi nito sabay hawak sa dalawang kamay ng pamangkin.

Umiling si Jesica. “It was different story tita.”

Naguguluhang napatitig si Lucila sa pamangkin. “Tell me the whole story para maintindihan ko.”

Muling ikinuwento ni Jesica ang mga nangyari ng gabing yun. At habang nagsasalita ay hindi na naman niya mapigilan ang mga luha tuwing naaalala niya ang mga pangyayaring yun ay naninikip ang kanyang dibdib.

 _______________________

A.N.

I hope you're still enjoying the flow of the story.. thanks for reading :D

Please vote and leave your comments ^_^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now