"J-Java..." bulong ko bigla.

Susundan ko na sana siya pero napatigil ako nang may mabilis na tunog ng pagtakbo akong narinig. Napatago ako ulit. Kitang kita ko na sinusundan si Java ng dalawang tao na nakaitim din gaya ng suot niya at may maskara. Ang kaibahan lang ay chainsaw ang dala ng isa, 'yong isa naman ay mukhang kawit ni kamatayan. Pinaglalaruan nila kami. What the fuck is wrong with them?!

"Babe..." tawag ni Alpha sa speaker.

"Ano mga suot niyo ngayon?" tanong ko bigla habang sinisilip ang dinaanan ni Java at ng dalawang nahabol sa kanya.

"Uniforms." sagot nila.

Where did she get that outfit?

"Bawal magkita si Flame at Java." sabi ko sa linya.

Narinig ko agad ang reklamo ni Gunner. "At bakit?"

"Java is wearing a different outfit. Naka-itim siya at may suot din na maskara kagaya ng sa mga killers, may dala siyang baril. Hinahabol siya ng dalawang tao kanina. Si Flame naman ay may baril din. Baka mapagkamalan niyang hindi kakampi si Java at bigla niyang barilin." paliwanag ko.

Sandaling natahimik sa kabilang linya.

Natahimik din tuloy ko at hindi na lang ulit nagsalita.

It feels like my opinion and my suggestions are always useless to them.

"Paano mo nalaman na si Java 'yon kung nakamaskara?" pagbasag ni Ichiro sa katahimikan.

I think they are not believing me.

"I saw the number 10 tattoo in her hand. Hinahabol din siya ng dalawang hindi ko kilala. Bakit siya hahabulin kung hindi naman siya isa sa target?" sagot ko.

Tapos tumahimik ulit.

Hindi ko napansin na medyo bumagal ang lakad ko kakaabang sa sasabihin nila.

I bit my lip.

Nakakahiya.

I'll just shut my mouth. Pakiramdam ko naepal lang ako.

"Hanapin na natin sila. Huwag kayo agad tatakbo kung nakaitim ang damit. Baka si Java 'yon." rekomenda ni Alpha.

Thank you, Alpha.

"Babe, are you okay? Hindi ka nila nakita?" dugtong pa niya.

Bakit naiiyak ako?

Bakit ikaw na lang may pakielam?

Bakit pinagtutulungan ako ng lahat?
 
 
I stopped biting my lip and wiped away my tears.

"I'm okay."
 
 
── ♡├o FLAME

I think he's dead....?

Tinanggal ko ang maskara ng taong 'to. Hindi ko mamukhaan 'yong lalaki. 'Yong itsura niya, katulad ng aura ng mga nakakalaban ni Gunner sa underground. May bigote tapos malaking tao. 'Yong mukhang makikipagbasag-ulo sa kanto?

Hindi ko sinasabing parang ganoon si Gunner pero parang ganoon na din.

This guy tried to shoot me. Mabilis ako tumakbo kaya nahirapan siya. Maski siya naligaw sa maze ng abnormal na gumawa ng Dollhouse.

Assholes, I'm a fan of mazes. Try again.

Tumayo ako tapos hinila ko 'yong katawan ng lalaki. Kabigat. Itinabi ko sa gilid para hindi makita ng mga kasama niya na nabawasan sila.

Gaya ng ginawa ko kanina sa unang lalaki na muntik pumatay sa'kin pero naunahan ko, kumuha ako ng isang libro sa shelf. Sunod ay dinutdot ko 'yong kamay ng lalaki sa sarili niyang dugo mula sa dibdib niya tapos ginawa kong ballpen 'yong daliri niya. Argh. Kadiri.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now