Ano 'yong tunog na 'yon?

Kuya Ichi?

"Huwag... ka.... malikot."

"Aray. Tae. Dahan-dahan kasi, Gunner!"

"Tsk. Ang ingay mo naman, puro pa reklamo!"

"Para ka kasing tanga. Sinabing masakit!"

"Isa pa, Ichiro. Huwag kang maingay at huwag ka uungol. Parang gago eh!"

"Ayoko na! Kaya ko mag-isa!"

"Edi huwag. Arte."

Nasaan sila? Teka. Nasaan ba kami?

Iba na naman itsura ng lugar.

Nagising akong nakasuot ng uniform namin sa Lancaster. Black polo, black skirt, golden logos, high socks, and dark shoes. Weekday Lancaster uniform ang suot ko. Suot-suot ko din ang aking ID. I smell different. Parang bagong ligo. Medyo basa din ang buhok ko. I don't know what's happening anymore. Pakiramdam ko ay hindi na totoo ang lahat.....

Nangyayari ba talaga 'to?

Inuubos ba talaga kami?

Totoo ba ang Dollhouse?

Baka binabangungot parin ako?

Tiningnan ko ang aking kamay. Nine. I really did it. I chopped my finger last night. No. This is not a dream. This is definitely not a nightmare.

Napabugtong hininga ako saka inikot ang mata sa paligid. It looks like we are in a library?

Gaya ng dati, sobrang taas ng kisame. May mga chandeliers na naman na nakasabit. Tapos puro matataas na dark brown shelves ang nakapaligid sa'kin. Puro lumang libro ang nakikita at naaamoy ko. Mukhang luma ang sahig na kahoy na natatakpan ng pulang carpet dahil kada tapak ko ay tumutunog ito Kanina pa ko naglalakad, halos tumakbo na ako. Naliligaw na ata ako.

Anong klaseng lugar ba 'to?!

Sinong may oras para magtayo ng library na ganito kalawak at tila walang katapusan? Hindi ko matanaw kung nasaan ang dulo ng library. Ilang beses ko sinubukan takbuhin ang maitim na dulo pero kada subok ko ay nagsisibukasan lang ang ilaw at puro libro ulit ang makikita. Hindi pa pantay pantay ang pagkakaayos ng matataas na bookshelves kaya mas lalong mahirap maghanap. Ang kalat ng pagkakaayos.

It feels like I'm in a maze.

Or...

That's really the case?

Is this the fifth game?

Something related to mazes?

"Ichiro! Gunner!" sigaw ko.

Walang sumagot.

Nasaan sila?

I swear halos parang katabi ko lang ang boses nila kanina. "Nasaan kayo? Ichiro! Gunner! Flame! Java! Alph---" wait. Hala.

Kung puro maze, ano laban ni Alpha?!

"Alpha!" sigaw ko ulit saka tumakbo ulit sa pagitan ng nagtataasang mga lagayan ng libro. Sobrang tahimik. "Naririnig niyo ba ko?!"

"Babe?"

That's Ichiro's voice!

Napalingon ako sa likod ko kung saan nangggaling ang boses. Wala naman siya. What the hell is happening?!

"Ichiro? Nasaan kayo?" tanong ko saka naglakad at pumunta sa kabilang shelves. Walang tao. Something's definitely wrong here.

"Babe, nasaan ka?" tanong ni Ichi na tila naglalakad din.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now