Her Bad Luck Day

Magsimula sa umpisa
                                    

" Sabagay hindi mo naman ako kilala talaga bakit mo nga naman ako papaniwalaan?....Ahmm...I'm Kier Ann....Kaibigan ako ni Aya at kaklase nya sa College sa London...at ako yung nakatanggap ng puso ni Andy....i know panget yung unang pagkakakilala natin....medyo mayabang ako....I'm sorry...pwede ba tayong maging magkaibigan?" tanong ko.

Russell's POV 

Yung way ng pagtindig nya at paghingi ng sorry para syang siya si Andy kapag nasa harapan ko at guilty...Russell stop comparing them...they are different!! pagalit ko sa sarili ko..Sobrang miss ko lang marahil si Andy kaya kung ano ano yung napapansin ko...Sya bilsng kaibigan ko? paano ako makakamove on kung maaalala ko ng maaalala si Andy sa kanya? bago pa ako makasagot sa tanong nya kung pwede ba kaming maging magkaibigan ay kinaladkad na nya ko papasok ng kotse nya at pinaupo nya ko sa  

passanger's seat sa harap.....wala na akong magawa dahil hindi ko alam kung bakit sobrang panatag yung loob ko sa taong ito? dahil ba may isang sistema sila ni Andy na magkaugnay sa pagkatao nya? 

"saan mo ba ako dadalhin??" iritang tanong ko sa kanya habang nagdadrive sya. 

"easy? wag kang kabahan...i wont hurt you..." sabi nya habang nakangiti. 

ayokong makipagtalo na sumasakit na yung ulo...hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. nagising lang ako sa isang mahinang tapik sa balikat ko at pagmulat ko ng mga mata yung mukha ni Kier yung nasilayan ko at nakangiti sya sa akin... 

"nasaan tayo?" tanong ko pinagala gala ko yung mga mata ko...isang matayog lang na pader yung nakikita ko.. 

"tara..." sabi nya at bumaba sya at sumunod ako sa kanya....pagbukas ng gate...napasinghap ako...isa pala itong Botanical Garden...napatingin ako sa kanya...

"my family own this...." maiksing pahayag nya at hinawakan nya yung kamay ko at naglakad na kami papasok ng botanical....bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko? naalala ko si Andy....sa ganitong lugar ko sya sinagot noong second year college kami...lahat lahat ng alaala namin na pinipilit kong iwaksi na sa isip at puso ko isa isa na naman nagbabalikan...nagawa ko na kahit papaano eh...yung ibangon yung sarili ko kahit papaano...lahat lahat ngayon nagsisibalikan sakin...yung mga ngiti nya...yung paraan ng pagtingin nya sakin...yung paghawak nya sakin...yung mga yakap nya at paraan ng pagsasabi nya ng kung gaano nya ko kamahal...sobrang miss na miss ko na yung Andy ko...lalong nanghina yung mga tuhod ko ng makarating kami ng butterfly station at yung luha ko dire diretso na.....nakatalikod lang sakin si Kier hindi pa nya namamalayan na lumuha na ko.. 

"b-bakit mo ko dinala dito?" sobrang nanghihinang tanong ko sa kanya 

" it's my heart desired..." tugon nya at pagharap nya doon na ko napaiyak dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko...namalayan ko na lang yakap nya ko.. 

"R-russell tahan na....may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan...please tahan na..." sabi nya na natataranta...itinulak ko sya hanggang sa makaalis ako sa pagkakayakap nya... 

"Sino ka bang talaga huh??bakit parang umaarte kang si Andy? bakit?? nagsurvey ka ba sa mga kaibigan namin kung saan kami nagpupunta? o kaya kung ano yung madalas naming gawin?? ano pati ba yung manerism nya ginagaya mo??? ano sabihin mo! " sigaw ko sa kanya habang umiiyak ako at tinutulak tulak ko sya...nakatitig lang sya sakin at may kakaibang emosyon sa mga mata nya... 

"Hindi ko alam yang pinagsasabi mo...." sabi nya  

"kahit papaano kase nakakayanan ko na nawala na sya....kahit paano nagagawa ko ng huminga...kahit papaano nakakayanan ko ng gumising ng umaga na hindi ko na sya hinahanap hanap.....ano itong ginagawa mo? bakit pilit mong pinapaalala sakin yung mga bagay na ginagawa nya na bumuo ng pagkatao ko!!!! please! sana sa susunod na magkikita tayo iwasan mo na lang ako para hindi ako masaktan!" sabi ko at tinalikuran ko na sya...napaiyak na ko...akala ko ok na ko eh...akala ko kaya ko na...pero sobrang hindi pa pala......

The New Day Sun (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon