Chapter 8 - Unanswered Questions

7K 145 1
                                    

Everyone hope you are enjoying the story so far. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GARRETT’S POV

(This happens after the kissing scene)

God, what have I done? I really don’t know what gotten into me. Before drinking, I came up with the resolve na hayaan nalang si Harper and just leave my feelings to myself. Tumayo na ako at pumunta sa tabi ni Mika. “I have to stop this feelings at iparamdam ko rin kay Harper na wala talagang nangyari between us.” I sighed on frustration. Tinignan ko lang si Mika habang mahimbing itong natutulog.

Hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip sa lahat nang nangyari. Naligo agad ako at tamang-tama nagising na si Mika. Kinarga ko na ito at nag init nang tubig para sa gatas nito at kape ko na rin. Pinaligoan ko na rin si Mika na aliw na aliw sa tubig. “Baby, you’re so cute, aren’t you?” she giggled while I was talking to her. Pagkatapos ko itong paligoan ay pinainom ko na ito nang gatas at inilagay ko na sa baby carrier. Buti nalang hindi iyakin ang batang ito. At naglaro na rin ito sa carrier, I took the chance to cook breakfast para sa akin at para na rin kay Harper. Ito naman talaga ang dapat na ginagawa ko ever since. Gumawa na rin ako nang gatas para dalhin sa opisina nang napansin kong nasa kusina na rin si Harper. Bakit kaya hindi pa ito nagbihis? Ang alam ko kasi may pasok pa ito eh.

“Good morning, Reila. Kain ka na. Teka, hindi ka ba papasok? Are you alright?” tanong ko dito kasi naman parang matamlay ito eh. And yup, sinadya ko talagang tawagin siyang ‘Reila’ ayoko na kasing palakihin yung nangyari. Pwede naman diba?

“A-ah I w-was a-about not to. But I change my mind. I need to see Kaden.” amused nitong sagot and she smirked. Siguro wala lang talaga sa kanya yung nangyari kasi makikipagkita nga ito sa Kaden niya eh.

“Ah okay. Sige mauuna na kami ni Mika. And Reila can you come with me today sa mall. I thought of buying Mika’s stuff at siguro yung crib na rin.” I have to talk something else. Tumango naman ito. Sigh… Binitbit ko na si Mika at lumingon sa kanya para e remind siya na sunduin ko siya sa school. “Good, I’ll pick you up sa school. Let Kaden know ahead of time baka magalit na isama kita. Which I really don’t mind kong ayaw niya. Kaso kailangan ko lang talaga nang woman’s touch sa gamit nang isang batang babae eh. Pasensya na ha.” at umalis na rin ako.

Pagdating ko sa clinic ay sinalubong na ako nang mga matang nagtatanong kasi dala-dala ko yung baby carrier. Then pumasok na ako sa opisina at hindi talaga naka control si Mylene, ang secretary ni Tito Randolf, at nagtanong na to. “Kailan ka pa naging tatay? On the weekend lang? Alam ba to ni Mr. Alcantara?”

“Hindi pa, at hindi ko ito anak. Pinapaalagaan lang sa akin. I will let them know. Sa tingin mo may slot pa doon sa daycare center natin for one more kid? Hindi ko kasi pwedeng iiwan si Mika sa bahay, walang mag aalaga.” tugon ko dito at napansin ko nalang na naglalaro na si Mylene kay Mika.

“Puntahan mo nalang doon. Dapat lang may slot sila para sa iyo, eh ikaw naman ang pinagkatiwalaan ni bossing eh.” kinuha ko na yung baby carrier at nagpaalam na dito.

Mabuti naman at meron pa silang slot at nakapasok si Mika doon. Bumalik na rin ako sa trabaho. I tried to busy myself para hindi ko maisip si Harper. It kinda helped naman at magpapractice na rin akong eignore yung nararamdaman ko sa dalaga. I just have to keep it to myself.

 

REILA’S POV

Dumating na ako sa school, 10 minutes nalang para magclose ang gate. Kaya tinakbo ko na ang classroom namin at nang makarating doon ay dumiretso na ako sa upuan ko. “Oh bestfriend, this is the second time na pumasok ka sa school na bwesit yung pagmumukha mo. Saka ang haba na nang nguso mo, sige ka pag daanan yan nang masamang hangin, hindi na yan babalik sa dating hitsura. Aray naman!!” pambungad na naman nang magaling kong bestfriend kaya kinurot ko ito sa tagiliran.

Instant Daddy and Mommy?Where stories live. Discover now