Chapter 17 - Baby Steps

7.5K 134 5
                                    

GARRETT'S POV

Nakasakay kami kaagad ni Mika sa sasakyan but ramdam ko ang lungkot sa mukha nang bata at alam ko na miss na miss niya na si Harper. Ako rin naman, sobrang miss ko na siya. I almost lost it nung nakita namin siya kanina.

"Daddy, why can't Mommy Harper recognize us?" nasilip ko sa rearview mirror ko si Mika na umiiyak.

"Baby, I don't think that is your Mommy Harper." naisipan kung magsinungaling muna dito. Naawa na ako sa anak ko eh.

"No daddy, it was her. Huhu." gustong gusto kong yakapin ang aking anak ngayon mismo kaso nagdadrive ako.

I am sorry, baby. Kahit ako gusto kong maiyak. You will understand someday. Sabi ko sa sarili ko.

It was the longest and saddest ride na nagawa ko. Nakatulog si Mika sa kakaiyak at kinarga ko na ito sa kwarto. Lumabas na ako at pumunta na rin sa kwarto ko. Nakita ko sa ibabaw nang aking study table ang supposedly gift ko kay Harper before it all happened.

"I guess you have to wait huh?" I look at it. Matagal din akong naghintay sa kanya and now when she was almost mine, I lost her again. Hindi ko mapigilan ang umiyak. I know men should not cry but hindi ko na kaya eh. Sobrang mahal ko Harper at sa tuwing nakikita ko siya dinudurog yung puso ko that she is so near but yet so far.

Ring... ring...

Naudlot ang pagdadrama ko nang mag ring ang phone ko. Pinulot ko ito sa kama. Nabigla ako nang makita ko ang tumatawag.

My Love calling...

"Hello?" nagtataka kung tugon. Hindi ko akalain na tatawag siya sa akin sa ganitong oras after we accidentally bump into each other.

[Uh, hi, Garrett?] medyo nagdadalawang isip ata siyang makipag usap.

"Yes, uhmmm, Harper?"

[Ano kasi... I know this is weird that I called you... My mom kinda told me everything but I wanted to hear from you.]

So nasabi na pala ni tita.

[Gusto ko sana magkausap tayo in person. Pwede ba tayong magkita?]

"Ah.. o-oo naman. Pasensya kana sa nangyari kanina ha. Hindi pa kasi namin masabi-sabi kay Mika ang mga nangyari. At --"

[No it's alright. Can we just talk it out? Probably tomorrow, if you are not busy?] hindi man lang ako pinatapos.

"Yeah sure. What time you want to meet me? At saan?"

[Ikaw bahala, I know you are working. Just the time and place.] hindi ko magets ang tono nang pananalita ni Harper. Medyo may pagka cold.

"Magkita nalang tayo sa may coffee shop na malapit sa hospital nang parents mo. Alam mo naman papunta doon diba?"

[Ah yes, 2pm. Thanks bye.]

"Ah, o--- kay." binabaan ba naman ako. Tsk... "Kung di lang kita mahal eh."

Humiga ako sa kama ko medyo nahimas masan na yung lungkot kasi magkikita at magkakausap na rin kami ni Harper. Sana hindi pa huli ang lahat.

"Dr. Alvarez, thank you for that presentation. I know maraming risk ang procedure na ito. Please make sure you will be able to successfully perform the trial without any glitch. We will be in big trouble pag magkaka problema ito. If it comes to it, stop the procedure and we will go from there." explanation ko sa head neuro namin. May gagawin kasi siyang clinical trial for Alzheimer's. Ginagawa na ito sa America but we are trying to do it here in the Philippines.

"Don't worry, Sir, itinataya ko ang pangalan ko sa trial na ito. Alam niyo naman po kung gaano ito ka lapit sa puso ko. At kinabukasan nang mga anak ko ang nakasalalay dito." tinangoan ko ito. Naiintindihan ko siya. Namatay yung ina nang kanyang asawa due to Alzheimer's.

Instant Daddy and Mommy?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora