Special Chapter

7.4K 152 11
                                    


Mika's POV

"Hi Mika, tara na let's go home. Manunuod pa tayo nung episode nang Fushigi Yuugi, alam mo na." anyaya ni Sheilou, bestfriend ko.

"Okay, mauna ka na sa locker. Tatapusin ko lang tong sinusulat ko." sagot ko dito. Malapit na akong matapos sa sinusulat kong report of the day. Nasa third grade na ako sa middle school papuntang highschool. Pagkatapos kong gawin ang sinulat ko ay umalis na rin ako nang classroom. Papunta na sana ako nang locker nang may marinig akong nag uusap.

"I like you, Gray. Please go out with me." sabi nung isang boses na sa tingin ko ay galing sa isang babae. Wait, teka.. si Gray? Sinilip ko nang kunti at si Gray nga kasama si Brenda Allison Tan, isa sa mga popular dito sa school. Ano kaya nagustuhan niya kay Gray?

"Sorry. I don't like your type." sagot naman ni Gray. Aba, kapal din nang mukha nang lalaking ito. Mauupakan ko ito pag-uwi. Kumaripas nang takbo si Brenda at tinignan niya ako nang nalagpasan na niya ako. Oh my gosh, umiiyak siya.

"Oopps... Panget, kanina ka pa?" biglang sabi ni Gray sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at binatukan ko ito. "Aray!!! Ano ba? Alam mo napaka-Amazona mo talaga."

"Walanghiya ka talaga noh? Kala mo kung sinong gwapo kung makapagreject, wagas! Tseee.. Jan ka na nga. Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo." tumalikod na ako at pupunta na nang locker.

"Pero crush mo? Aminin, may HD ka sa akin eh." pang-aasar nito.

"HD? Kapal mo rin noh? Hinding-hindi ako magkaka desire sa iyo." umabot na kami sa locker.

"Oh, nag aaway na naman kayo? Para kayong aso't pusa eh." sabat ni Sheilou. "By the way, Mika. Mauuna na muna ako sa iyo. Sinundo kasi ako ni Lloyd eh. Next time nalang ulit?" pagmamakaawa nito.

"Don't worry, Sheilou, ako bahala sa bestfriend mo." pang-iinis ni Gray sa akin. "She's safe with me." tapos inakbayan ako.

"Safe? Baka liparin ako nang hangin kung ikaw kasama ko." inis kong sabi. "Sige Shei, don't worry. Hindi naman kalayuan yung bahay eh." tugon ko kay Sheilou. Nagpaalam na ito at nagsimula na rin kami ni Gray na umuwi.

Nang makauwi na kami nang bahay, dumiretso ako sa kwarto ko while naiwan si Gray sa sala nakikipaglaro sa kapatid kong si Yuichi. Andito palagi sa bahay si Gray. Magkakapit-bahay kasi kami since nung maliit pa kami at malapit ito kay Daddy Drew at Yuichi. Aside doon, pumupunta lang yan sa bahay upang asarin kaming dalawa ni Yuki na isa ko pang kapatid na kakambal ni Yuichi.

"Mika, uwi na ako. See you tomorrow." pamamaalam ni Gray sa akin habang nasa labas kami nang bahay upang ihatid siya sa labas. Nakatulog na kasi ang kambal kaya ako na ang pinahatid ni Dad.

"Sige, goodnight. Ingat ka." tatalikod na sana ako ngunit pinigilan niya ako. "Oh, may kai--" nang hinarap ko siya ay bigla niya akong hinalikan sa labi.

"Goodnight, bye." kumaripas itong tumakbo.

Habang ako ay napatulala sa mga biglaang ginawa nito. Oh my G!!!!!! Ang first kiss ko!! Alam ko na namula yung mukha ko kasi nararamdaman kong umiinit yung pisngi. Dali-dali akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto.

"Mika, nai--- what's wrong?" naririning ko ang boses ni Mommy sa likod ko pero hindi ako huminto upang kausapin ito dahil hindi ko na mapigilan ang mga nag uunahan kong mga luha.

"Jusko, mabubuntis na ako nito." yun lang ang tangi kong naisip habang nagpapanic yung puso at isip ko.

Malipas ang 3 araw ay hindi ko na nakita si Gray. Napag-alaman ko lang na umalis ang buo nilang pamilya. Nalungkot ako sa nangyari at hindi ko rin nasabi sa magulang ko na baka mabuntis ako dahil hinalikan ako ni Gray. Saan na kaya yung gagong yun.

10 years later....


Instant Daddy and Mommy?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu