Chapter 6 - Another Weekday

8K 175 3
                                    

 REILA’S POV

*krrrrinnnnggg….

Too much for weekend, I have to go back to school. I woke up feeling like crap, hindi kasi ako nakatulog kaagad kagabi. Sankaterbang assignments lang naman ang ginawa ko tapos iyak pa nang iyak yung anak ni Garrett. Psh..Okay fine, inaamin ko medyo naiinis ako kasi nga diba dapat he’ll take care of me or at least accompany me kaso nasa baby na iyon lahat nang time niya.

I went out and make breakfast, 5am pa naman eh, I still have an hour and half to prepare for school. Tsk..ingay talaga. Umiiyak na naman kasi yung bata. Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako para sa school. But before I leave, kumatok muna ako sa kwarto ni Garrett.

*knock..

 

*knock..

“Andyan na, teka lang.” yun lang ang sagot nito. Tapos binuksan na ang pinto. Shemay lang naman eh..Out came a Greek god! Ang landi ko! Garrett went out of the door just wearing a boxer shorts. “Are you done assessing me?” at dun na ako bumalik sa realidad.

“Uhmmm...M-mauuna n-na a-ako.” ayan nabulol tuloy ako. Pull yourself together Reila! “May breakfast na sa kusina. Saka nag boil na rin ako nang tubig para sa milk ni Mika. Pinangalanan na namin yung baby. Hindi pa rin kasi namin nasabi sa kinauukulan yung tungkol dito.

“Ah okay. Thank you ha.”

“Okay lang. Teka bakit para kang zombie? Hindi ka pinatulog ni Mika?” tanong ko sa kanya. Pero sa totoo lang ang gwapo pa rin niya kahit na mukhang zombie na ito.

“Oo eh. Hindi ko kasi alam anong nangyari sa batang ito kagabi.”

“Dalhin mo na sa doctor, ay teka doctor ka nga pala.” sabi ko naman dito.

“Hindi ah. Medical assistant lang ako. At saka hindi kami pediatrician ano, neurologist kami.”

“Ah ganun bah? O siya sige, alis na ako. Hindi ka na papasok? Wala namang magbabantay sa bata diba?” paano kaya niya yan gagampanan eh may work pa ito.

“Dadalhin ko nalang siya sa work. May daycare naman kami sa loob nag practice para sa mga single parents na empleyado doon.” aniya nito.

“Ah okay, sige alis na ako.” tumalikod na ako nang biglang hinigit niya yung kamay ko. Muntik naman akong masubsob sa dibdib nito. Buti nalang malakas reflex ko at natukod yung kamay ko.

“Wala bang ‘goodbye kiss’?” pilyong tanong nito sabay tawa.

“Asa kapa!” buti nalang binitawan niya ako.

Umalis na rin ako. Grabe ang aga-aga naglalandi. Umayos ka nga Reila, may boyfriend kana! I scolded myself. And yup, I have a boyfriend.

Dumating na rin ako sa school, and then I saw him. Kaden Riley San Juan, most popular hottie sa school namin. Hindi pa naman masyadong develop yung katawan nito pero in fairness gwapo medyo built na rin. We’ve known each other for 1 year and half. Kaso medyo problematic yung pagsasama namin kasi nga lapitin eto eh.

Instant Daddy and Mommy?Where stories live. Discover now