Dollhouse 040

Magsimula sa umpisa
                                    

Naiinis ako kay Ichiro! Kumukulo dugo ko sa kanya hanggang ngayon. Hindi ko alam na ganoon ang ginagawa niya. Nakikitawa lang ako sa mga panahong inaasar kami pero hindi ko inakala na seryosong seryoso pala siya at ganoon kalala. He even have a photo of me and..... argh!

"Everyone's clueless that you were dating him. Huwag ka mag-alala. Hindi ko sasabihin kahit anong mangyari."

Napabuga na lang ako ng hangin sa inis!

Naputol ang usapan namin nang magsalita na ulit ang chipmunks sa speaker. "Gunner, your timer will start in 3... 2... 1... Go. Break a bone!"

Tumakbo ang oras.

Limang minuto....

00:04:57

Hindi gumalaw si Gunner at nanatiling nakaupo. Lahat kami nakaabang sa kanya. Maski si Babe at Flame na mukhang kinakabahan ay tila nakaabang na lang sa mangyayari. Buti sana kung a break a bone lang eh. Kung ako nasa posisyon ni Babe o Flame ay iooffer ko daliri sa non-dominant hand para baliin ni Gunner. Kaso leg! Ang laki ng buto na nandoon. At higit sa lahat, malaki ang posibilidad na malumpo!

Napatingin si Flame kay Babe saka napamura sa sarili.

Si Gunner mukhang walang balak gumalaw.

Mukhang tama si Ichiro. Hindi niya gagawin ang dare---

Tumayo si Flame.

"Gunner, ako na lang." pumiyok na sabi ni Flame saka tumayo sa upuan niya at kinuha ang malaking martilyo sa mesa.

"Ako naman piliin mo kahit ngayon lang..." nakangiting sabi ni Flame saka inabot ang martilyo.

Sinamaan siya ng tingin ni Gunner. "Umupo ka sa upuan mo, Flame. Hindi ako natutuwa."

Hindi umalis si Flame sa pwesto niya. Nakaabot parin ang kamay niya na may malaking martilyo na mas malaki pa ata sa braso niya.

"Gunner, please---"

"Umupo ka sabi!"

"It's just a fucking leg, Gunner. Duwag ka ba?!" iritang sigaw ni Flame.

"Upo sabi!"

"Pwede bang ako na lang magbali para masaya?!" sigaw ni Flame sa speaker.

"Flame, ano ba! Huwag ka munang sumabay!"

"Gagawin mo o gagawin ko?!"

"Hindi ko gagawin!"

"Gunner, duwag ka!"

"Flame, seryoso ako, umupo ka na sabi! Huwag mo ko galitin."

"Duwag!"

"Ginagalit ni Flame..." bulong ni Ichiro. Naalala ko. Ayaw ni Gunner na tinatawag siyang duwag. Tsk.

"Flame, nice try. Hindi 'yan gagana ngayon." iritang sabi ni Gunner.

3 minutes na lang at nagtatalo pa sila!

Ayaw tumigil ni Flame. "Gunner, duwag ka kaya lahat ng mahal mo ay nawala sa'yo. Duwag!"

Tumayo si Gunner bigla.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon