Chapter 21

722 12 0
                                    

Hannah point of view

:Invitation.

Nakatanaw lang ako sa buong hacienda ng Valeria. Malawak yun at pwedeng taniman ng palay, prutas o gulay. Masasabi ko rin na masarap ang simoy ng hangin dito sa teresa ng aking kwarto. Makikita mo rin ang mga tauhan dito na abalang-abala sa kanilang ginagawa.

Flashback.

"Goodmorning Sir." Bati ko ulit dito at ngumiti.

Kung hindi siya tatayo diyan baka lumamig na ang mga niluto ko para sa kanya. Sayang naman kasi hindi na masarap ang isang pagkain kapag lumamig. At kasalanan ng taong to kapag lumamig ang niluto kong pagkain.

"Fvk, get out of my room now." May diin nitong sabi.

Umiling ako at hindi inalis ang ngiti ko sa labi." Its time to shine sir, baka ma-late kayo sa trabaho niyo."

"Get out."

"No sir."

"Get out."

"No sir."

"I SAID GET OUT!!"

"EHH... TANG I*A MO PALA E.. SABING TUMAYO KANA DIYAN AT BAKA MA-LATE KA SA TRABAHO MO. KUNG AKALA MO GINAGAWA KO TO PARA SAYO HELL NO. DAHIL IKAW ANG NAG PAPASWELDO SA AKIN AT KAPAG NAWALAN KA NG TRABAHO BA-BYE 40,000 NA AKO NETO. KAYA WAG KANANG PABEBE DIYAN AT TUMAYO KANA. DAHIL LAGI NALANG GANTO, SA TUWING GIGISINGIN KITA. LAGI KANALANG NAG MUMURA AT LAGI MO AKONG PINAPAALIS. MAG THANK YOU KA PA NGA KASI MAY GUMIGISING PA SAYONG ISANG ANGHEL. KUNDI BAKA MAMATAY KANA DIYAN KAKATULOG MO." Hingal na hingal ako ng matapos kong sabihin ang mga yun.

End of flashback.

Natawa nalang ako ng maalala ko ang lahat ng yun. Sa tuwing gigisingin ko siya lagi nalang kaming nag aaway at nag mumurahan. Iniisip ko nga kung boss ko ba talaga siya o kaibigan lang? Minsan ko lang kasi siya galangin as a Boss.

Huminga nalang ako ng mahangin ng dumampi sa balat ko ang sariwang hangin kasabay ng pag lipad ng buhok ko. Marami akong alaala sa kanya katulad nalang sa teresa na ganto. Ganto rin kalaki ang teresa na pinag--- wag na pala natin alalahanin.

"Ms. Hannah."

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko na may tumawag sa pangalan. Namilog ang dalawa kong mata ng makita ko si Markie sa harap ko at nakangisi ng mapalad. Pero bumaba rin ang tingin ko sa hawak niyang maliit na envelope na kulay pink.

"Kamusta kana Ms. Hannah? Nasabi sa akin nila Mr and Mrs. Valeria na nalaman mo na daw ang totoo." Lumapit ito at pinagmasdan ang buong paligid mula sa kinakatayuan ko.

"Ayos lang, si Martin maayos naba siya?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil sa tuwing nababanggit ko ang pangalan niya ay naiiyak ako. Humarap nalang ako ulit sa malawak na lupa namin para maiwasang hindi tumulo ang luha ko.

"Wala akong masyadong balita sa kanya Ms. Hannah." Sabi nito at kuwan ay nag kamot ng ulo.

"Ganon ba."

"Ako ba Ms. Hannah hindi mo ba ako kakamustahin maraming nang yari sa akin nito lang isang buwan." Ani nito at humarap sa akin.

"Sige ano ba--- "

"Nakikita mo ang kulay red na kotse nayun," tinuro niya ang isang kulay red na kotse kalayuan sa amin." Brand new car yan, at akin yan Ms. Hannah." Natawa nalang ako ng tinuro niya ang sarili niya.

"Hmm... kanino naman galing yan?" Tanong ko at muling tinanawa ang pinagmamalaki niyang kotse.

"Sa isang tao HAHAHAHA." Tawa nito.

Minsan talaga nag tataka ako kay Markie kung baliw ba siya o may sayad lang? Lagi nalang kasi siyang nakatawa at pag lalapit sa akin ngingiti na kala mo may magandang nang yari. Pero alam niyo ba na pangarap kong makitang mag seryoso si Markie. Hindi ko pa kasi siya nakikitang magalit o tumalim ang mga mata.

"Tss... kamusta naman sila Marvin at Minard?"

"Nag papakasaya narin sila sa mga natanggap nilang regalo sa isang tao HAHAHA." Sabi nito na pinagtaka ko.

"Sino bayung taong tinutukoy mo?" Bigla nalang itong tumigil sa kakatawa at kuwan ay kumamot ulit ng ulo.

"Hindi napala ako mag tatagal Ms. Hannah iniimbitahan ko kayo ng pamilya mo sa isang kasiyahan." Inabot nito ang kulay pink na envelope.

"Kasiyahan?" Ulit ko at tumungin sa kanya.

"Oo Ms. Hannah kaya pumunta kayo kasi isa kayo sa especial guess namin." Ani nito.

Nakatitig lang ako sa isanh maliit na kulay pink na envelope na ngayon ay nasa kamay ko. Maganda ang pagkakagawa sa invitation nato at halata mo talaganh pinaghandaan nila ng usto.

"Pupunta ba si--- nevermind nalang," tumingin ulit ako sa invitation at umangat ng tingin sa kanya." Sige sasama ako."

"Yun o! Para sure ako na pupunta ka susunduin kita dito."

"Nako kahit wag na." Tanggi ko.

"Ms. Hannah malaking opportunity itong inaalok ko sayo kasi ikaw palang ang isasakay ko sa brand new car ko." Pagmamalaki nito.

"Talaga?"

"Oo nga, kaya pumayag kana." Pag pupumilit nito.

"Ahhmmm... sige."

"Yun o! Hintayin kita bukas ng gabi." Ani nito at tumakbo na paalis.

Kung pumunta ako doon makikita ko kaya siya. Pero nasa Japan siya at nag babakasyon. Ayaw niya panaman na may umiistorbo sa kanya tuwing may bakasyon siya. Pero pas maganda narin makita ko siya sa kasiyahan bukas lalo't ng gusto kung mag pasalamat sa kanya at sa lahat ng ginawa niya.

At kung hindi siya pumunta sa kasiyahan ipapasabi ko nalang kay Markie ang gusto kong sabihin sa kanya. Tutal bukas narin naman ang party mag hahanda na ako ng regalo--- oo nga pala sino ba ang may birthday? Binuksan ko ang invitation. Wala manlang nakalagay kung para kanino ang kasiyahan.

Siguro ordinaryo lang ang kasiyahan nato o kaya may nang yaring maganda. Baka naman nag pa-party si Markie dahil sa brand new car niya na kulay red HAHAHA! Pero seryoso ako sino ba ang nag bigay kay Markie ng ganon kagandang kotse?

Nevermind.

Marami akong aayusin lalo't na ang susuotin ko bukas. Marami naman akong damit diyan kaya hindi ko na kailangan bumili pa sayang lang sa pera. May sense din ang pag alis ko dito natutunan ko yun ng walang wala ako. Na.. kahit mayaman ka matuto ka paring mag tipid sa lahat ng oras.

Dahil ang pera ay nauubos.












































Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now