Chapter 10

842 11 0
                                    

Martin point of view

:Hide.

"How are you, Martinie?"

Napasimangot nalang ako ng tawagin ako ni Mom sa ganong pangalan. Ang layo ng Martin ko sa Martinie. Bakit niya ba ako tinatawag na ganon? Para naman akong isip bata sa ganong pangalan.

"Ok lang."

Tinuon ko nalang ang mata ko sa pagkain na kinakain ko. May naalala ako, ibang iba ito sa mga niluto niya sa akin noon. Masarap yun at walang katulad, kaya nga tuwing umaga ay maganda ang araw dahil sa mga pagkain na inahain niya sa akin.

"How about you, Makie."

Napa-angat ako ng ulo para tingnan ang magiging reaction ni Markie. Isa yata siya sa pinaka malapit sa gulo. Hindi halata yun kasi isa siyang Doctor. Halos lahat yata ng mga sikat na Hospital ay siya ang nag mamayari compare sa iba.

"Ok lang."

Kinagat ko nalang ang ibaba kung labi para pigilan ang pag tawa ko. Markie is a type of guy na parang maamong pusa kapag kaharap si Mom and Dad. Pero pagdating sa ibang tao, halos sambahin na siya dahil sa takot sa kanya.

"How about you, Marvinie."

Lumipat ang mata ko kay Marvin para pakinggan ang sasabihan niya. Mukang sa aming apat ay walang mag sasabi ng totoo. Dahil puro "ok lang." Ang sagot ng mga kapatid ko.

"Ok lang."

Ininom ko ang baso ng tubig sa na nasa harap ko para pigilan ang pag tawa. Alam kung nakakahalata na ako, pero hanggat hindi ako tumatawa walang akong ginagawang mali. Titigil lang ako kung sitahin ako ni Mom or Dad but... busy si Mom kakatanong sa mga sinungaling kung kapatid. And Dad is busy to his food.

"How about you, Minard."

Lumipat naman ang mata ko kay Minard na nakatingin sa akin ng masama. Iniba ko nalang ang direction ng mata ko para hindi niya mapansin na natatawa na ako. Kung sa aming apat si Minard ang isa sa nakakatakot magalit. Kaya walang may gustong mang asar sa kanya.

"Ok lang."

Akmang tatayo na kaming apat para umalis ng biglang ihampas ni Dad ang lamesa na nag sanhi ng pagka gulat namin. Umayos kami ng upo at tumingin kay Dad na nanlilisik ang mata dahil sa galit.

"Puro 'ok' nalang ang sagot niyong apat! Wala na ba talaga kayong magandang ibabalita sa amin kundi ang mga babaeng nag rereklamo tungkol sainyo. Ano ba talagang gusto niyong mang yari sabuhay niyo?! Ang magkaroon ng maraming asawa!?"

"Dad naman sino bang gu---- "

Hindi na natapos ni Markie ang sasabihin niya ng ihampas ulit ni Dad ang kamay niya sa lamesa. Kuwan ay tiningnan niya ng masama si Markie,

"Zamiel Markie Dave Martinez! Anong akala mo sa akin walang alam sa mga pinaggagawa mo?! Baka gusto mong isa-isahin ko ang mga kasalanan mo sa akin. Wala na kayong ginawa kundi ang mag dala ng problema sa akin at sa pamilyang ito."

Hinampas ulit ni Dad ang lamesa at tiningnan kami ng masama isa isa. At si Mom naman ay nakatingin nalang at nakikinig sa mga pinagsasabi ni Dad.

"Dad naman wala naman akong na tatandaan na may ginawa ako masama?"

Sabi ni Markie.

"Anong matatawag mo sa skandalong nang yari  sa isang Restaurant! Pinag agawan ka ng 10 babaeng at dahil doon nag away-away ang mga babaeng yun!"

Yumuko ako ng kunti para pigilan ang tawa ko. Kahit kailan talaga si Markie hindi na nag bago. Laging problema niya ang mga babaeng panay habol sa kanya kahit saan siya nag punta.

"Dad naman."

"Shut up Zamiel Markie Dave Martinez! And how about you Jay Minard Hellius Martinez?!"

"Huh?" Maang-maangan ni Minard.

"Wala na kayong ginawa kundi ang mag maang-maangan sa harap ko! Ano tong nalaman ko na nakabuntis ka ng apat na babae!!?"

Imbis na kagatin ko ang ibaba kong labi ay dila ang mismong kinagat ko para maiwasan ang pag tawa. Akalain mo nga naman si Minard nakabuntis ng Apat na babae? W. T. H hindi ba siya gumamit ng protection?

"What the hell Dad! Saan niyo naman nakuha ang impormasyon nayan!" Sigaw ni Minard.

"No more explanation Jay Minard Hellius Martinez!"

Dalawa nalang kaming natitira ni Marvin. Sino kaya ang mauuna sa aming dalawa? Infact wala akong naalala na may ginawa akong masama. Kaya ligtas ako sa pag sesermon ni Dad.

"How about you Khen Marvin Van Martinez!"

"Dad let me expla--- "

"Ano tong nalalaman ko na pati waitress ay pinapatulan mo, huh! Hindi ka naba naawa sa sarili mo at kulang nalang ay matikman mo ang lahat ng babae sa mundong ito!"

Eto na ang inaabangan ng lahat. Kung ang tatlo kung kapatid ay napagalitan? Paano pa kaya ako?

"Bakit ba ako nagka angat ng apat na lalake na malapit sa gulo? Dapat kasi babae nalang ang naging anak natin. Tingnan mo ang nang yari ngayon, kahit ang laki-laki na ng mga to ang lapit parin sa gulo."

Napatingin sa akin ang tatlo kung kapatid na may pagtataka. Imbes na tingnan ko silang tatlo ay binaling ko ang mata ko kay Dad na ngayon ay nakahawak sa sintido.

"Ano yun Martin Ace Lawrence Martinez?"

Umiling nalang ako at tinuon ko nalang ang mata ko sa kinakain ko at pinakiramdaman ang nasa paligid ko. Alam ko na nag aalab na sa galit ang tatlo kung kapatid dahil hindi ako pinagalitan ni Dad.

"Ahem.... Hannah Amara Kristine Jane Valeria."

Namilog ang dalawa kong mata ng banggitin ni Markie ang pangalan ni Ms. Valeria. Napatingin si Dad sa akin at kuwan ay inalis niya din yun at tumingin kay Markie.

"Si Ms. Valeria?" Ulit ni Dad.

"Martin explain mo kay Dad."

Sabi ni Marvin at tumingin sa akin. Ngumisi ang tatlo kung kapatid sa akin at samantalang si Dad ay nakatingin sa akin na may pagtataka.

"What--- "

"Ano yun Martin Ace Lawrence Martinez? Bakit na sali sa usapan ang ex-fiance mo na si Ms. Valeria?"

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Dad ng seryoso." Ms. Valeria is my personal maid."

Maikli kung sagot at tumayo mula sa pagkakaupo ko. Kung mag tatagal pa ako dito siguradong tatadtarin niya ako ng tanong.

"Alam mo naman namay nakapatong na parus--- "

"I know."

"At ano naman ang ginagawa mo? Hindi kaya tinatago mo siya."

"Nag tatrabaho siya sa akin." Maikli kung sagot.

"We need to call a Royal--- "

"What?!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses dahil sa sinabi ni Dad.

"Wag mong sabihin na may gusto ka na kay Ms. Valeria?"

Akamang ibubuka ko na ang bibig ko ng may kung ano ang pumigil sa akin na gawin yun. May gusto nga ba ako sa kanya?

"Hindi pa ako sigurado." Sagot ko.

"Paano kung malaman mo na gusto mo siya."

"Kung dumating man yun, po-protektahan ko siya at ilalayo sa mga Maharlika." Tumalikod na ako dito at nag lakad na paalis.

"Itatago mo siya?"

Lumingong ako dito." Yes."









































Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now