Chapter 1

1.7K 20 2
                                    

Hannah point of view

:Boss.

"Salamat talaga, Ms. Mina." Sabi ko dito sa kabilang linya habang may ngiti sa labi.

"Wala yun, oo nga pala ang mga bilin ko sayo. Yung nga ayaw niya iwasan mo yun para tumagal ka sa trabaho mo, ok bayun?" Puntik ko ng makalimutan ang bilin niya dahil sa sibrang excited ko sa bago kung trabaho.

"Noted po Ms. Mina."

"O, sha ba-bye goodluck sa bago mong trabaho." Binaba ko na ang phone ko at nilagay ko yun sa likod ng bulsa ng pantalon ko.

Huminga muna ako ng malalim habang nasa tapat ako ng condo ng bago kung boss. Medyo kinakabahan pa ako kasi ito ang una kung trabaho para maging isang personal maid. Dahil ang mga trabaho ko lang non ay Dishwasher, Waitress at Janitress.

Pero wala namang pagkakaiba ang trabaho ko non sa magiging trabaho ko ngayon. Kagaya ng sabi ni Ms. Mina ngumiti lang at sundin lahat ng utos ng boss ko. At higit sa lahat wag daw galitin ang boss ko para hindi ako mawalan ng trabaho. Short tempered panaman daw yun.

Naalala ko ang sinabi ni Ms. Mina tungkol sa pinsan niyang si Sir. Martin Martinez.

"Hannah makinig ka sa akin," tumikhim ito." Si Martin ay dakilang cassanova at wala siyang patawad pag dating sa mga babae. Kaya walang tumatagal sa kanya na katulong dahil sa ugali niya. Iwasan mo na tumingin sa mga mata niya at wag ka masyadong mag pakita sa kanya. Martin is a monster kind, lagi siyang nag papaiyak ng babae at may pagka denominante rin." Hinawakan nito ang kamay ko." Maliit lang ang pasensya ni Martin kaya pag ayaw niya sayo, ayaw niya talaga sayo. At masanay kanarin na may naririnig kang ingay tuwing gabi at mga babae na labas pasok sa condo niya. Wag mo narin siyang pakialaman sama nga gagawin niya. Ang gawain mo lang ay ipag luto siya, mag linis ng bahay."

"Halimaw?" Bulong ko.

Kung ganon nga talagang klase ang magiging Boss ko? Kailangan ko talagang mag ingat. Dapat ngayon palang iwasan ko na ang mga ikinaiinis niya. Dahil ang trabahong ito ay mahalaga sa akin. Humigpit ang hawak ko sa dala kung maleta. Bumaga muna ako ng hangin bago ako mag door bell sa condo niya.

Kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang magandang babae." At sino kanaman?" Mataray nitong tanong.

Ngumiti ako dito." Personal maid po ni Sir. Martin."

"Tss.. Wala kanaman lahing ahas diba?" Napatitig ako sa sahig ng sabihin niya yun. Ako may lahing ahas? E.. muka nga pa siyan ahas kesa akin. Nako kung hindi ko lang mahal trabaho ko kanina ko pato na bugbog ng wala sa oras.

"Hayaan niyo po trabaho ang pinunta ko dito at hindi mang ahas." Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya ng mata sa mata.

"Good." Umalis na ito at nag lakad na paalis.

Unang araw ko tapos may na encounter na agad akong ikakasama ko. Buti nalang at nakapag timpe ako kundi baka pulutin yun sa hospital. Sabihan banaman ako kung may lahi daw akong ahas? Ano ako kauri niya? Duhh.. wala akong kamag anak na ahas kagaya ng babaeng yun.

Bwesit siya!

"Anong muka yan?"

"Mukang gustong pumata-- " namilog ang mata ko ng makita ko siya na nakatayo sa harap ko at naka cross arm.

"Ahhh... HAHA. Hello po kayo po ba si Sir. Martin Martinez?" Pinilit kung ngumiti sa harap niya. Kahit muntik ko na siyang sigawan kanina, buti nalang na preno ko tong bunganga ko.

"Ikaw ba si Hannah Valeria?" Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

Pilit akong ngumiti sa harap nito."Ako nga po."

Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now