Chapter 17

717 14 0
                                    

Markie point of view

:Punishment.

Nag lakad na kami ngayon sa isang hall way kung saan ay papunta kami kay Martin. Hindi naman nakakapagod ang ginawa namin. Ang totoo nga niyan pag punta namin don ay nag si alisan na silang lahat. Speaking of Martin naka upo ito sa isang upuan habang ang mahabang lamesa ay natumba at ang mga upuan ay nasa sahig at nakakalat.

"Bro, " tawag ni Marvin kaya lumingon ito." Ok na." Pag papatuloy nito.

"Wala na ang mga asungot ng mga to." Sabi ko at pinunasan ang dala kong baril. Kahit naka yuko ako ay ramdam ko ang pag lunok ng bawat isa dito sa loob.

"Ok na si Ms. Valeria." Sabi ni Minard at inakbayan ako.

"Alisin mo nga yan." Inis kong inalis ang kamay nila sa balikat ko at tiningnan siya ng masama.

Mula sa pagkaka-upo niya ay parang may masamang nang yari. Sa reaction palang ng mga tao dito ay parang gulat na gulat sila. Bakit ngayon lang ba nila nakita na magkakasama ang apat na Martinez? Pero mukang hindi yun ang dahilan.

"Bro bakit ganyan ang itsura mo?"

Lumapit si Minard dito at tinapik ito sa likod. Buti si Minard ay nagkakaroon ng  lakas para kausapin si Martin, aba! Tingnan niyo naman ang muka ni Martin para papatay na ng wala sa oras.

"Sabi mo bukas diba? Gusto ko ngayon na gaganapin yun."

Nag katinginan kaming tatlo dahil sa sinabi ni Martin. Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin niya? Pero mukang hindi maganda ang binabalak niya. Tinago ko ang baril ko sa likod at lumapit kay Marvin.

"Mr. Martinez pwede mo pang baguhin ang desicion mo. Alam mo naman na pwede mo itong ikamatay."

"Saan gaganapin?" Tanong ni Martin.

"S-sa ilalim nito."

Akmang aalis na si Martin ng habulin ko ito. Alam ko kahit ang dalawa kong kapatid ay naguhuluhan sa pangyayari. Kaya ngayon palang mag tatanong na ako kung ano nang yayari.

"Mag iingat kayo, bro."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Martin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pinapahiwatig niya pero hindi ko yun gusto. Tinapik nito ang balikat ko at nag lakad na paalis. Samantalang ako ay nakatulala lang sa kawalan.

"Anong sabi, Bro?"

Umangat ang tingin ko kay Minard pero agad ko din yung binawa at binaling kay Mr. X. Isa sa namumuno ng Royalty Government, lumapit ako dito at tinutukan siya ng baril. Umigting ang panga ko dahil sa galit, kung hindi kaya sabihin ni Martin siya ang mag sasabi sa amin.

"Anong nang yayari?"

Pinilit kong hindi tumaas ang boses dahil sa inis. Pinikit ko nalang ang dalawa kong mata para pakalmahin ang sarili ko. Alam naman ng lahat sa mundong ito ay maliit lang ang pasenya ng mga Martinez.

"An--- "

"Sagutin mo ang tanong ko!?"

Ulit ko, nakita ko na hinawakan ako ni Marvin sa balikat ko. Nag papahiwatig na kumalma ako, paano ako kakalma kung alam ko naman nasa panganib si Martin. Oo, lagi kaming nag aaway pero alam ng diyos kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

"Imbes na si Ms. Valeria ang parurusahan ay siya nalang ang sumalo."

"Ano?!" Gulat na tanong ni Minard.

"Bakit?" Tanong ni Marvin,

Parang may bumuhos na malamig na tubig sa buong katawan ko. Alam kuna kung bakit ginawa yun ni Martin? Ginawa niya yun para maligtas si Ms. Hannah. Ngayon ko lang napansin na unti-unti ng nag babago si Martin at dahil yun kay Ms. Hannah.

Kung ang dating tamad, walang pakialam, babaero ay ngayon ay serysoso sa iisang babae. Akalain mo at sa ex-fiance slash personal maid siya na hulog? Nong nalaman ko na si Ms. Hannah ang katulong niya ay unang pumasok sa isip ko ay isusumbung niya ito sa Royalty Government. Pero nag kamali ako, dahil prinotektahan niya pa ito.

"Ano klaseng parusa?" Tanong ko.

"100 na beses lalatiguhin sa likod."

Naiyukom ko nalang ang kamao ko dahil sa galit. Kaya pala inako ni Martin ang parusa dahil kung si Ms. Hannah ang mapaparusahan ay ikakamatay niya. Akamang susuntukin ko na siya ng maunahan ako ni Marvin.

"Kailangan natin ng tu--- "

"Sa tingin mo ba mag papaawat si Martin?" Tanong ko.

"Wala na tayong magagawa pa kasi kung ano ang desicion ni Martin hindi na mag babago yun." Giit ni Marvin ka sinang ayunan namin.

"Mag patawag kayo ng medical team." Utos ko.

"Bro s--- "

"Kahit yun lang ang matulong natin kay Martin."

Nag lakad na ako paalis sa harap nila. Gusto kung puntahan si Martin para pilitin siya na wag gawin ang bagay nayun. Maraming paraan ang pwedeng gawin pero bakit sinang ayunan niya ito?

"Saan ka pupunta, Bro?"

"Kay Martin."

Akmang papasok na ako sa isang pinto ng may humarang sa akin na maraming guard. Binigyan ko sila ng masamang tingin na ikinaatras nila pero mahahalata niyo sa muka na pinipilit nilang hindi matakot sa akin.

"Pasensya napo pero pinag uutos po ni Mr. Martin Martinez wala daw po kaming papasukin dito na kahit sino." Sabi ng isa sa gwardia.

"Aaahhhhhhh!!!!"

Agad akong tumakbo papasok kaya lang naharangan na nila ako. Ang sigaw nayun? Ang sigaw nayun ay galing kay Martin. Pinilit kung makapasok kaya lanh masyado silang madami para makapasok ako.

"Martin!!!!"

Sigaw ko habang inaalis sila. Napa upo nalang ako sa sahig ng naitulak nila ako. Napayuko nalang ako habang ang pawis ko ay patuloy na tumutulo sa muka ko. Napansin ko na sinara nila ang malaking pinto na ikina angat ng ulo ko. Agad akong tumayo at sinipa ang pinto para buksan, pero ayaw niyang mabuksan.

Napasandal nalang ako sa malaking pinto na kulay gold hanggang sa dumausdos sa sahig. Napayuko nalang ako at patuloy na inaalala ang lahat ng sinabi ni Ms. Hannah. Ng makita namin siya ay may sinabi siya sa amin tungkol kay Martin.

"Markie, gusto ko na sabihin mo to kay Martin. Mahal na mahal ko siya."

Ng sinabi niya yun ay sumabay ang luha niya na parang katapusan niya na. Pero ang hindi niya alam ay si Martin ang sumalo sa kasalanan niya. Ganto ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Gagawin mo ang lahat kahit ikamatay mo pa.

Sabagay ang love ay walang pinipili.

















































Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now