Chapter 8

848 9 0
                                    

Hannah point of view

:Meet.

Warning: Matured Content!

"Saan ba tayo pupunta Si--- Martin?"

Kanina pa ako nag tatanong kung saan kami pupunta pero hindi siya nag sasalita. Nandito kasi kami ngayon sa loob ng kotse niya at may pupuntahan kami na siya lang ang nakaka-alam. Hindi manlang siya naawa sa akin, kanina pa kaya ako nag tatanong!

Inis akong umirap sa ere at tinuon nalang ang mga mata sa labas. Binaba ko ang mask ko at nilapit ng kunti ang muka sa salamin. Pinagmamasdan koang tanawin sa labas na isa sa nag papagaan ng loob ko.

"Excited?"

Nabaling ang tingin ko sa kanya pero agad ko ding iniwas at tumingin sa labas. Minsan ko nalang siyang titigan sa mga mata kasi nga diba may nararamdaman ako sa tuwing tinitigan niya ako ng matagal.

"Paano ako mae-excite kung hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta?"

Nakangusong kung sagot. Malay ko ba pupunta kami ng office niya at uutos-utusan niya ako. Hindi kaya ay mag papahanap siya sa akin ng babaeng gusto niyo. O kaya ay ipalinis niya sa akin ang buong office niya.

"May pupuntahan tayong party."

"Party?"

Masaya nga yun. Pero bakit ako? Marami naman diyan na pwedeng isama at ako pa talaga.  Mamaya hindi ka enjoy-enjoy yun, malay niyo na sinama niya lang ako para utos-utosan o kaya alilain.

"Yeah."

"Boring."

Komento ko at tinuon nalang ang ng pansin ang labas. Dati mahilig ako sa party, pero ngayon? Hindi na, kasi naging abala ako sa mga naging trabaho ko. Speaking of trabaho noon. Nalugi ang Restaurant na pinagtatrabhahuan ko kaya nag sara. Isang buwan ako walang trabaho ng araw nayun at buti nalang hinabol ako ni Ms. Mina at nag rekomenda sa akin ng trabaho at... ito yun.

"Hayaan mo hindi kita uutusan sa araw nato kaya magagawa mo ang lahat ng gusto mo."

May kung ano ang sumaya sa kalooban ko sa sinabi niya. Parang excited na akong mag party mamaya. Uminom ng hard na alak, sumayaw sa stage, at may mame-meet kang guy. This is gonna be fun!

"Hindi ka pwedeng uminom ng alak, sumayaw kahit kanina o kaya makipag usap sa ibang tao. Gusto ko ako lang kakausapin mo sa party."

Nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya. Ano ko siya boyfriend? At kailangan niyang maging possessive sa akin. Hindi matatawag na party yun kung hindi ako magsasaya. Pati banaman ang pakikipag usap sa iba ay ayaw niya, edi sana hindi niya nalang ako sinama. Para saan pa? Wala naman akong gagawin dito kung hindi makipag usap sa kanya.

"Super Boring."

"Where here."

Tumigil ito at tinanggal ang seatbelt niya. Sa sobrang pagiisip ko at pag uusap namin hindi ko na namalayan nandito na kami. Tinanggal ko narin ang seatbelt ko at bumaba na ng kotse niya.

"Martinez Club?"

"Yeah."

Nag lakad na ito papasok kaya sumunod ako sa kanya. Medyo gabi na kasi madilim na ang kalangitan. Pag pasok namin sa loob ay sinalubong kaagad kami ng sobrang lakas na sound system at mga taong sumasayaw, umiinom sa isang lamesa.

"Hold my hand, baka mawala ka."

Tatanggi sana ako kaya lang hinawakan niya na ang kamay ko kaya wala akong nagawa. Akala ko makikipag siksikan pa kami sa mga tao dito pero hindi, umiiwas sila sa dinadaanan namin. Sabagay nandito yata ang isang Martinez.

Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Onde histórias criam vida. Descubra agora